Balita

Paulo, ipaglalaba­n si Ritz sa huling dalawang linggo

-

MULING haharap sa matinding hamon ang pag- ibig nina Sophia ( Ritz Azul) at Nicolas ( Paulo

Avelino) dahil handa nang ipaglaban ng immortal man ang kanyang pagmamahal para sa dating kasintahan upang mabuo ang pinapangar­ap nilang pamilya sa huling dalawang linggo ng The Promise of Forever.

Sa pagbabalik ni Nicolas bilang Laurence, muling nagkrus ang landas nila ni Sophia at nagkaroon ng pagkakatao­ng makilala ang kanilang anak, na mayroon ding kakayahang pagalingin ang sariling sugat.

Dahil dito, hindi na sasayangin ng immortal man ang pagkakatao­n at paninindig­an ang babaeng minamahal kahit pa pilit siyang itaboy nito at ilayo sa kanilang anak.

Sa muli namang pagtatagpo nina Marlon ( Tonton Gutierrez) at Nicolas, sasamantal­ahin na ng una ang pagkakatao­n upang makuha ang huling sangkap na kukumpleto sa miracle drug at gagamitin si Sophia upang makuha ang tiwala ni Nicolas.

Pero bukod sa kasakiman ni Marlon, mas magiging mahirap din ang pagbabalik ni Nicolas dahil kay Philip ( Ejay Falcon) na gagawin ang lahat upang mapasakany­a ang puso ng dalaga, kahit pa idaan niya ito sa dahas.

Abangan ang kahihinatn­an ng pagmamahal­an nina Sophia at Nicolas? Magtagumpa­y na kaya sina Marlon at Philip sa kanilang mga plano?

Huwag palampasin ang huling dalawang linggo ng The Promise of Forever sa ABSCBN at sa ABS- CBN HD ( SkyCable ch 167). Para mapanood ang past episodes ng programa, pumunta lamang sa iWant TV o sa skyondeman­d.com.ph para sa Sky subscriber­s.

 ??  ?? Paulo Ritz
Paulo Ritz

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines