Balita

Ika-80 labas

- R.V. VILLANUEVA

DAHIL labis na nabigla, hindi agad nakasagot sina Mang Edgardo at Mang Daniel sa babala ng isa sa apat na lalaking kaharap nilang may suot na bonnet na lingid sa kaalaman nila, mga tauhan ni Don Andres Hamoria na sila Harry, Sendong, Dodong at Rading. Hindi na nakatutol ang magkababat­a, magkaibiga­n at matalik na magkaibiga­n ng igapos sila ng mga lalaking biglang pumasok sa bahay-bakasyunan. Bagama’t nakadama ng takot, pinili nila Mang Edgardo at Mang Daniel na maging matatag sa kinakahara­p na panganib na biglang dumating sa kanilang buhay. Paminsan-minsan nilang sinusulyap­an ang apat na lalaki sa hangaring makilala ngunit dahil nakasuot ng bonnet, hindi naganap ang gusto nilang mangyari. Gayunpaman, patuloy silang nagpakatat­ag sa panganib na hatid ng apat na lalaking ikinukubli ang mukhasa suot na bonnet. Lihim, pinilit nila Mang Edgardo at Mang Daniel na makikilala ang boses ng mga lalaki ngunit nabigo siladahil noon lang nila narinig.

“Anong kailangan ninyo sa amin?” Tanong ni Mang Daniel. “Bakit ninyo kami binihag?”

“Mang Daniel, ang pera mo, pag-alis at hindi na pagbalik sa lugar na ito,” Sagot ni Harry. “Tiyak sa mga sinabi kong ito, alam mo na ang pakay namin!”

“Kidnapper kayo?” Tanong uli ni Mang Daniel.

“Oo,” sagot ni Harry. “At kailangan mong ibigay ang hinihingi namin at sumunod sa kondisyon para walang masamang mangyari sa iyo at makabalik ng buhay sa iyong pamilya!”

“Wala akong pera,” sagot ni Mang Daniel. “Naubos na ang perang pinaghirap­an kong kitain sa pagtratrab­aho sa abroad sa pagpapagaw­a ng bahay-bakasyunan­g ito!”

“Huwag mong bilugin ang ulo namin, Mang Daniel,” babala ni Harry. “Alam naming hindi totoo ang sinasabi mo, marami kang kinita sa matagal na pagtratrab­aho sa abroad!”

“Tama ang sinabi ng kasama ko, inalam na namin ang lahat sa pagkatao mo, peraat kabuhayan bago namin ginawa ang krimeng ito,” wika ni Dodong. “Kaya anumang pagtanggi ang gawin mo, mawawalan ng saysay at hindi namin paniniwala­an!”

“Tunay na wala ng pera ang kaibigan ko, naubos sa pagpapagaw­a ng bahay-bakasyunan­g ito,” singit ni Mang Edgardo. “Pakawalan na ninyo kami dahil nagsasayan­g lang kayo ng panahon!”

Ngunit hindi pinakawala­n nina Harry, Sendong, Dodong at Rading sila Mang Edgardo at Mang Daniel, sa halip, inulit ang babalang huwag gagawa ng ingay at magtatangk­ang tumakas. At tulad ng kanilang balak, isinama ng apat na tauhan ni Don Andres si Mang Daniel palabas sa bahay-bakasyunan para dalhin sa traysikel na nakaparada sa gilid ng barangay road hindi kalayuan sa lugar. Ngunit bago tuluyang umalis sa bahay-bakasyunan, kinausap at muling nagbigay ng babala si Harry kay Mang Edgardo na huwag sasabihin kahit kanino ang ginawa nila sa kababata niya, kumpare at matalik na kaibigan. Dahil sa bantang mamamatay si Mang Daniel, nangako si Mang Edgardo na susundin ang bilin at utos ng apat na lalaking nakasuot ng bonnet na dumukot sa kababata, kumpare at matalik na kaibigan.

“Tiyak namang makakagawa ka ng paraan para makawala sa pagkakagap­os, Mang Edgardo,” wika ni Harry. “Ngunit para walang masamang mangyari kay Mang Daniel, bukas mo na ito gawin!”

“Sige, susundin ko ang lahat ninyong gusto huwag lang ninyong sasaktan si pareng Daniel,” sagot ni Mang Edgardo. “Bigyan n’yo siya ng panahong mapagisipa­n ng husto ang gusto ninyong mangyari!”

“Mang Edgardo, lalaki akong kausap kaya ipanatag mo ang iyong loob,” sagot ni Harry. “Basta tiyakin mong walang ibang makakaalam sa pangyayari­ng ito, hindi mamamatay ang iyong kababata, kumpare at matalik na kaibigan!”

“Pangako, susundin ko ang gusto ninyong mangyari,” sagot ni Mang Edgardo. Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines