Balita

GDP ng bansa sumipa sa 6.9%

- Nina BETH CAMIA at ARGYLL CYRUS GEDUCOS

Lumago sa 6.9 na porsiyento ang ekonomiya ng bansa sa ikatlong quarter ng 2017, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sinabi ng National Economic Developmen­t Authority (NEDA) na ang nasabing datos ay mas mataas sa naitalang 6.7 porsiyento­ng paglago sa ekonomiya ng bansa noong second quarter ng taon.

Gayunman, bahagya itong mas mababa kung ikukumpura sa parehong quarter noong 2016, nang nakapagtal­a ng growth rate na 7.1 porsiyento.

Ayon sa national statistici­an na si Dr. Lisa Grace Bersales, ang sektor ng industriya ang nakapagtal­a ng pinakamata­as na paglago sa 7.5 porsiyento, na sinundan ng services sector na 7.1%.

Samantala, ayon kay Socioecono­mic Planning Secretary Ernesto Pernia, nananatili ang Pilipinas bilang isa “best-performing economies” sa buong Asya.

Aniya, pumapangal­awa ang Pilipinas sa Vietnam, na nakapagtal­a ng 7.5% growth rate sa 3rd quarter, habang nasa ikatlong pwesto ang China na mayroong 6.8%, kasunod ang Indonesia na may 5.1%.

Labis naman ang kasiyahan ng Malacañang sa pagsipa ng gross domestic product (GDP) ng bansa sa 6.9%, na higit sa 6.5% na tinaya ng ng mga market analyst.

“That’s good news,” sinabi ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque. “In fact, it was [Finance] Secretary [Carlos] Dominguez [ III] who informed me, they even adjusted the growth rate by .2 percent, which is very good news.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines