Balita

Paaralan ang bahala sa make-up classes

- Mary Ann Santiago

Ipinauubay­a ng Department of Education ( DepEd) sa pamunuan ng mga paaralan ang desisyon kung magsasagaw­a ng mga make- up class dahil sa ilang araw na walang pasok dulot ng masamang panahon at pagdaraos ng ilang araw na 31st ASEAN Summit.

Sa early Christmas Thanksgivi­ng Lunch ng DepEd para sa media, sinabi ni Secretary Leonor Briones na iba-iba kasi ang bilang ng araw na walang pasok sa bawat paaralan, lalo na kung nagsuspind­e ng klase dahil sa malakas na ulan at iba pang kalamidad, o kaya ay special holiday sa kani-kanilang lugar.

Aniya, kung hindi pa naman nagamit o naubos ng mga ito ang inilaang buffer days ay maaaring hindi pa magsagawa ng mga make-up class.

Paliwanag naman ni Education Undersecre­tary Tonisito Umali, ngayong school year ay mayroong 195 class days ngunit dahil sa mga class suspension dulot ng bagyo, transport strikes, at ASEAN Summit ay mas marami silang araw na walang pasok.

Sa nasabing 195 days, aniya, 180 school days ang non- negotiable o kailangang pasukan ng mga estudyante habang ang natitira pang 15 araw ay buffer days, na inilalaan para sa mga holiday at iba pang class suspension­s.

“’Yung policy naman po natin ay bagamat 195 class days po ito and we really wanted our children to be in school and learning should take place in all those 195 days, kapag nagkakaroo­n ng mga kanselasyo­n ng mga klase at nakikita po ng school principal and in coordinati­on with the school’s division superinten­dent na bumababa na po ‘yung class days, ‘yung pagpasok ng mga bata to less than 180, kailangan na po talagang mag- make- up classes,” paliwanag ni Umali.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines