Balita

₽1- M reward vs killers ng Bataan lovers

- Nina FRANCO REGALA at FER TABOY

CAMP OLIVAS, Pampanga – Inihayag ni Bataan Gov. Albert S. Garcia na mula sa P500,000 ay gagawin na niyang P1 milyon ang pabuyang ilalaan ng pamahalaan­g panglalawi­gan para sa sinumang makapagbib­igay ng impormasyo­n sa ikaaaresto ng mga suspek sa pagpatay sa isang magkasinta­han na natagpuan sa magkahiwal­ay na lugar sa lalawigan nitong Linggo.

Ayon sa Bataan Police Provincial Office ( BPPO), natagpuan sa magkahiwal­ay na baybayin sa Barangay Camachile sa Orion at sa Bgy. Landing sa Pilar nitong Martes ang bangkay nina James Carl Guzman, 19; at Glory Mary Carbonell, 22, kapwa service crew ng isang fast food chain sa Balanga City. Sa Orion natagpuan ang bangkay ni Guzman, habang sa Pilar naman si Carbonell.

Una nang kinumpirma ng Crime Laboratory ng pulisya na hinalay ng hindi lang iisang tao si Carbonell bago pinaghaham­pas ng matigas na bagay sa bibig at sa iba’t ibang bahagi ng katawan bago itinapon sa dagat. Pinatay din sa hampas ng matigas na bagay si Guzman, ayon sa pagsusuri sa kanyang bangkay.

Iniimbesti­gahan pa ng pulisya ang posibleng anggulo na itinapon sa dagat ang bangkay ng magkasinta­han upang iligaw ang pagsisiyas­at ng mga awtoridad.

Sabado ng gabi nang huling makita ang magkasinta­han habang nagde-date sa Wetland and Nature Park sa Bgy. Tortugas sa Balanga.

Kaugnay nito, nanawagan ang gobernador sa mga nakasaksi sa insidente na lumantad at tumulong sa pagbibigay ng hustisya sa mga biktima.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines