Balita

Lopez umapela vs pagbawi ng lisensiya

- Jun Fabon at Chito Chavez

Inamin ng aktres at dating beauty queen na si Maria Isabel Lopez na nagkamali siya nang pumasok siya sa VIP lane sa EDSA para sa convoy ng mga delegado ng Associatio­n of Southeast Asian Nations (ASEAN) at pag-post pa nito sa social media.

Sa pagharap niya kahapon sa Land Transporta­tion Office ( LTO), iginiit ni Lopez na bigo ang napagtanun­gan niyang traffic constable na sagutin ang tanong niya kung maaari ba niyang gamitin ang ASEAN lane.

Katwiran ni Lopez, napilitan siyang gamitin ang ASEAN lane dahil naiihi na siya, na epekto ng health regiment niya na nagoobliga sa kanyang laging uminom ng juice.

Sinabi naman ni LTO Law Enforcemen­t Service Director Francis Ray Almora na mapapatuna­yan nilang totoo ang sinasabi ni Lopez kapag napanood na nila ang CCTV footage ng MMDA sa insidente.

Pinagsusum­ite rin ni Almora si Lopez ng position paper, at sinabing si LTO Chief Edgar Galvante ang magpapasya sa parusang ipapataw sa dating beauty queen.

“It is up for Asec Galvante to decide after we finish our investigat­ion,” sabi ni Almora, at idinagdag na maaari namang umapela si Lopez kay Galvante para sa mas mababang parusa.

Gayunman, nakiusap si Lopez na huwag namang matindi ang parusang ipataw sa kanya, gaya ng kanselasyo­n ng lisensiya, dahil unang beses pa lang naman siyang lumabag sa batas trapiko.

Nobyembre 13 nang naglabas ng show cause order ang LTO para pagpaliwan­agin si Lopez kung bakit hindi dapat na suspendihi­n o kanselahin ang kanyang driver’s license.

Nahaharap si Lopez sa mga kasong reckless driving, breach of security, disregardi­ng traffic signs, at paglabag sa Anti- Distracted Driving Act (ADDA).

Matatandaa­ng nag- post si Lopez ng pagtanggal niya sa mga divider traffic cone upang mapasok ang ASEAN lane, kaya naman nagsisunur­an sa kanya ang iba pang motorista na naipit din sa ilang oras nang trapiko sa EDSA nitong Sabado ng gabi.

Sa kanyang video post, makikita si Lopez habang mabilis na tinatalunt­on ang ASEAN lane at sumisigaw ng, “Wooh! I did it! Be like Maria!”

 ?? KEVIN TRISTAN ESPIRITU ?? GANITO PO KASI ‘YON… Matapos ipatawag, nagpaliwan­ag kahapon si Maria Isabel Lopez sa tanggapan ng Land Transporta­tion Office sa paggamit niya sa ASEAN lane, na nag-viral sa social media. Una nang humingi ng paumanhin sa kinauukula­n ang aktres.
KEVIN TRISTAN ESPIRITU GANITO PO KASI ‘YON… Matapos ipatawag, nagpaliwan­ag kahapon si Maria Isabel Lopez sa tanggapan ng Land Transporta­tion Office sa paggamit niya sa ASEAN lane, na nag-viral sa social media. Una nang humingi ng paumanhin sa kinauukula­n ang aktres.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines