Balita

MRT BAGON KUMALAS

140 pasahero naglakad na lang sa riles

- Ni MARY ANN SANTIAGO at BELLA GAMOTEA May ulat ni Leonel M. Abasola

Napilitan ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 ( MRT- 3) na magpatupad ng limitadong biyahe matapos humiwalay ang isang bagon sa tren nito, habang bumibiyahe sa Makati City kahapon.

Ayon kay Transporta­tion Undersecre­tary for Rails Cesar Chavez, naganap ang aberya sa pagitan ng Buendia at ng Ayala Avenue Stations, bandang 9:30 ng umaga.

Aniya, bumibiyahe pa-norte ang tren nang biglang humiwalay ang huling bagon nito.

Pinababa sa riles ang 140 pasahero na pawang naglakad ng walo hanggang 10 minuto patungo sa Ayala Station.

“Around 130 to 140 passengers were evacuated by the combined security guards from Buendia and Ayala Station,” sabi ni Chavez sa isang pahayag. “Passengers were evacuated from the detached train going to Ayala Station platform in about 8 to 10 minutes.”

Pansamanta­lang nilimitaha­n ang biyahe ng mga tren mula North Avenue hanggang Shaw Boulevard at vice versa.

Iniulat naman ni Chavez na makalipas ang kalahating oras ay naibalik na sa normal na operasyon ng MRT-3, sa ganap na 9:30 ng umaga. Walang iniulat na nasaktan sa aberya.

TULOY NA SERBISYO O REHABILITA­SYON?

Ayon kay Senador Grace, magdedesis­yon ang Department of Transporta­tion ( DoTr) kung itutuloy lang ang serbisyo o magsagawa muna ng malawakang rehabilita­syon sa MRT.

“Ang kailangan nilang gawin ay siguraduhi­n na ligtas ang ating mga mananakay. Ngayon, kung kinakailan­gan na itigil, alam natin na maaapektuh­an halos limandaang libong mga mananakay pero kung iisipin naman natin ang maaaring bawian ng buhay dahil sa kapabayaan, baka kailangan lulunin natin ito ngayon pero ang importante talaga ay magdesisyo­n ang DoTr at ‘pag may nangyari, akuin nila ang responsibi­lidad.” Sabi ni Poe.

Aniya, mabuti at walang nasaktan sa insidente na muling nagpatigil sa operasyon. Kamakailan lamang, isang babaeng pasahero ang naaksident­e dahil sa kawalan ng “safrety measures”.

 ??  ?? ‘PATI BA NAMAN TREN NANG-IIWAN?’ Sa kuhang ito ni Ivan Caballero Villegas, makikitang tinanaw na lamang ng mga pasahero ang papalayong tren ng Metro Rail Transit (MRT)-3 nang kumalas dito ang sinasakyan nilang bagon sa pagitan ng Buendia at Ayala...
‘PATI BA NAMAN TREN NANG-IIWAN?’ Sa kuhang ito ni Ivan Caballero Villegas, makikitang tinanaw na lamang ng mga pasahero ang papalayong tren ng Metro Rail Transit (MRT)-3 nang kumalas dito ang sinasakyan nilang bagon sa pagitan ng Buendia at Ayala...
 ??  ?? LAKAD PA MORE Sa kuhang ito ni Ivan Caballero Villegas, pasahero ng MRT-3, makikitang napilitang maglakad sa riles ang kapwa niya mga pasahero patungong Ayala Station makaraang kumalas ang kinalulula­nan nilang bagon sa tren nito sa pagitan ng Buendia...
LAKAD PA MORE Sa kuhang ito ni Ivan Caballero Villegas, pasahero ng MRT-3, makikitang napilitang maglakad sa riles ang kapwa niya mga pasahero patungong Ayala Station makaraang kumalas ang kinalulula­nan nilang bagon sa tren nito sa pagitan ng Buendia...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines