Balita

Anne, ‘di na kilala ang dating mentor

- Ni JIMI ESCALA

NAKAKUWENT­UHAN namin ang isang kaibigan na dating nakakasama sa patawag for audition para par sa talents for print and TV commercial­s na si Ms. Annie Ayroso. Siyempre, naitanong namin n agad sa kanya kung bakit hindi yata siya sumama sa kasal ng dating alaga niyang si Anne Curtis kay Erwan Heusaff

Ms. Annie ang talagang Sa mga hindi nakakaalam, discover- si mentor ni Anne Curtis. Wala pang kamuwang- muwang noon ang isang Anne Curtis at isa kami sa makapagpat­unay sa pagkaray-karay ni Anne sa kanya.

Kuwento sa amin noon ni Ms. Annie, batang-bata bata pa si Anne at wala pang 12 years old nang lapitan niya para alukin upang maging talent for commercial­s.

Kun Kung ilang beses din naming nasalubong noon si Ms. Annie bitbit ang a dalagindin­g na si Anne na hindi pa marunong magsalita ng Tagalog. Palibhasa maganda, madaling naipasok ni Annie sa ilang ad agency si Anne at nakagawa ng ilang commercial­s. Si Annie rin ang nagdala kay Anne sa GMA-7 at nagkaroon ng ilang TV show. Pero noon pa ay may himutok na si Annie kay Anne. After daw kasi ng mga nagawa niya na halos siya na ang tumayong nanay ng aktres na sa bahay pa niya nakatira noon, bigla na itong umalis sa poder niya. “Nalaman ko nasa Viva na siya. Wala kasi kaming kontrata. Pero okey na ‘yun, matagal na yun at limot ko na. Nagpag-usapan lang kasi. Nakakasama lang kasi sa mga past interview ni Anne, eh, never niyang nabanggit na sa akin siya nag-umpisa ni pangalan ko, eh, hindi niya yata kayang sabihin,” himutok ni Annie. Nitong ikinasal si Anne sa New Zealand kahit pabalatbun­ga man lang ay hindi nito naalala. “Hindi naman ako nagsa-sourgrapin­g. Tinanong n’yo kasi ako kung bakit wala ako sa kasal niya. ‘Yun lang, parang nakaramdam na naman ako ng lungkot at bumalik ‘yung dating sama ng loob ko na after ko siyang alagaan at natulungan­g makapasok sa showbiz at pinatira pa sa bahay ko, eh, parang hindi na yata niya ako kilala,” himutok pa ni Ms. Annie Ayroso.

 ??  ??
 ??  ?? Anne
Anne

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines