Balita

Tony Labrusca, Best New Male TV Personalit­y

- Ni REGGEE BONOAN

HINDI inaasahan ni Tony Labrusca na mananalo siya ng Best New Male TV Personalit­y para sa fantaserye­ng La

Luna Sangre sa 31st PMPC Star Awards for TV. Pawang kilala na rin sa showbiz ang mga katunggali ni Tony na sina Addy Raj ( Meant to Be, GMA 7), Bruno Gabriel ( Hahamakin Ang Lahat, GMA 7), Dave Bornea ( Alyas Robinhood, GMA-7), Gil Guerva ( My Love From The Stars, GMA-7), Marco Gallo ( Wansapanat­aym Super Bing, ABS-CBN), Mark Oblea

( Wansapanat­aym My Hair Lady, ABS- CBN), Migo Adecer ( Encantandi­a, GMA-7) at Sebastian Duterte ( Lakbai, TV5). May recording si Tony nitong nakaraang Linggo ng gabi na doon lang din sinabihang pumunta PMPC awards night kaya hindi na siya nakapaghan­da sa kanyang bihis.

Abut- abot ang pasasalama­t ni Tony sa karangalan­g natanggap na malaking bagay para sa tulad niyang nagsisimul­a at magsisilbi­ng inspirasyo­n ito para lalo niyang paghusayan ang kanyang trabaho.

Naikuwento ng manager ni Tony na si Mario Colmenares na blessing in disguise rin na hindi napasama ang binata sa

Boyband PH dahil sa kalagitnaa­n na pala ng contest ay gusto na niyang mag-quit dahil nagdalawan­g-isip siya kung itutuloy pa niya dahil pag-arte talaga ang gusto niya.

“Sinabihan ko na lang na ituloy na niya at we’ll see what will happen sa huli,” sabi ni Mario. “Nu’ng hindi siya napili, okay lang sa kanya, hindi siya nasaktan. Though he loves to sing, gusto niyang maging singer din pero as a solo not in a group.

“Good thing na rin na hindi siya napili kaya ang tuwa niya nu’ng kinuha siya for La Luna Sangre kasi gusto niyang umarte and willing to learn talaga.”

Ipinaubaya na raw sa Diyos ni Tony y ang lahat ng mangyayari sa kanya sa a pag-uwi niya ng Pilipinas.

“Grabe ang faith ni Tony, lahat ng gagawin niya at ginagawa, lahat inihihingi niya ng blessing kay God.”

Sumakto nga raw ang lahat ng gusto ni Tony sa career niya dahil bukod sa pagiging mang-aawit at artista sta ay gusto rin pala niyang maging host, kaya tuwang-tuwa uwa nang isama kina Iñigo Pascual at Alexa Ilacad bilang ng hosts sa One

Music Popssss na napapanood sa One Music PH online tuwing Martes.

Sa 3rd Season na napasama si Tony y dahil sa una at ikalawa ay sina Iñigo at Maris Racal ang ng magkasama.

Isang beses pa lang namin naiinterby­u byu si Tony na sa obserbasyo­n namin ay napakabait na a tao, masunurin, magalang at mapagmahal sa mama niya. a. Maayos siyang makiharap sa kapwa kaya naniniwala kaming ming malayo ang mararating niya sa showbiz dahil higit sa lahat ay hindi pasaway ayon sa sources namin sa production. duction.

As of now ay busy pa rin sa La Luna a Sangre si Tony bilang si Jake na kababata at umaalalay alay kay Malia ( Kathryn Bernardo).

Third wheel si Tony (Jake) kina Kathryn hryn (Malia) at Tristan ( Daniel Padilla).

Hoping ang binata na sa taong 2018 ay mapasama na rin siya sa pelikula ng Star Cinema o ng anumang movie outfit.

 ??  ??
 ??  ?? Tony
Tony

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines