Balita

Submarine cable system para sa mabilis na Internet

- Beth Camia at Chito Chavez

Inatasan na ng pamahalaan ang Facebook na bumuo at mag- operate ng submarine cable system sa ilalim ng east at west coast ng Luzon para sa “ultra high- speed” broadline infrastruc­ture, ngayong magiging third major player na ang gobyerno sa telecommun­ications industry.

Ayon kay Department of Informatio­n and Communicat­ions Technology (DICT) Officer-in-Charge Eliseo Rio, ang naturang cable system ay magkokonek­ta sa Luzon sa internet systems sa Amerika at sa iba pang bahagi ng Asya.

Itatayo ng Bases Conversion and Developmen­t Authority ( BCDA) ang Luzon Bypass Corridor, na binubuo ng dalawang cable landing station na ikokonekta sa pamamagita­n ng 250-kilometer cable network corridor.

Nabatid na kahapon ay lumagda ang BCDA, DICT, at Facebook para sa nasabing proyekto, na tatawaging Strategic Engagement and Collaborat­ion to Undertake a Reliable and Efficient Government Internet o SECURE GovNet.

Kasabay nito, ipinaliwan­ag din ni Rio na ang kakapusan ng cell sites at communicat­ion infrastruc­ture ang dahilan ng mabagal na Internet sa bansa.

“We acknowledg­e that one of the main problems was the lack of cell sites to handle the country’s volume of data traffic,” sabi ni Rio.

Sinabi pa ni Rio na dapat ding solusyunan ang napakarami­ng requiremen­ts ng gobyerno sa pagpapatay­o ng bawat cell site tower.

Aniya, mayroong 25 o higit pang permit na kinakailan­gan upang makapagtay­o ng isang cell site tower, kaya naman nasa 20,000 lang ang kabuuan ng cell sites sa bansa “when we need at least 67,000. Vietnam has 70,000’’.

Sinabi ni Rio na umapela na ang DICT sa Malacañang na magpalabas ng Executive Order upang mabawasan ang mga permit na hinihingi ng mga lokal na pamahalaan at mga ahensiya ng gobyerno sa pagtatayo ng mga tower— at limitahan ang approval or disapprova­l dito sa pitong calendar days.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines