Balita

Kano nakaladkad, nabagok sa paghahabol sa misis

- Mary Ann Santiago

Patay ang isang 50- anyos na Amerikano nang mahulog at bumagsak sa sementadon­g kalsada matapos na sumabit sa kotseng minamaneho ng kinakasama niyang Pinay sa Malate, Maynila kamakalawa.

Tinangka pang isalba ng mga doktor ng Philippine General Hospital (PGH) si Ramsey Awni Rayyis, ng 702 Avenue of the Arts, na matatagpua­n sa Roxas Boulevard sa kanto ng Sta. Monica Street sa Malate ngunit binawian din ng buhay dahil sa matinding pinsala sa mukha, ulo, at katawan.

Nakatakda namang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide ang kinakasama niyang si Jenevie Daria, 27, at residente rin ng naturang lugar.

Sa pagsisiyas­at ni PO3 Roderick Magpale, ng Manila Police District- Crimes Against Persons Investigat­ion Section ( MPD- CAPIS), nang maganap ang insidente sa Quirino Avenue, kanto ng Adriatico St., sa Malate, dakong 7:30 ng gabi.

Ayon sa ilang saksi, nakita nilang hinahabol ni Rayyis ang Hyundai Tucson ( NZS- 88) na minamaneho ni Daria sa nasabing lugar.

Pagsapit sa stoplight sa Quirino Avenue, naabutan ng biktima ang sasakyan nang mapilitang huminto dahil sa red signal. Sa puntong ito, nagtalo pa umano ang mag-live-in partner.

Sa pagberde ng traffic light, muling pinatakbo ni Daria ang sasakyan at sumabit ang biktima sa right- side top load brace ng behikulo hanggang sa ito ay nakaladkad at napabitaw sa sasakyan bago tumama ang ulo, mukha at katawan sa sementadon­g kalsada.

Tila hindi umano alam ni Daria ang naganap at nagpatuloy lamang sa pagmamaneh­o patungo sa direksiyon ng Taft Avenue.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines