Balita

Mapalad ang mga Ruso sa bansa

- Ric Valmonte

DALAWANG Russian, sa magkahiwal­ay na okasyon, ang dinakip ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) sa salang drug smuggling. Noong Oktubre 5, 2016, inaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency ( PDEA) si Yuri Kirdyushki­n matapos makuhanan ng 7.4 kilo ng powdered cocaine at 2.5 kilo ng liquid cocaine sa kanyang bagahe sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport ( NAIA). Samantala, noong Nobyembre 2016, inaresto ng mga tauhan ng BoC si Anastasia Novopashin­a makaraang makuhanan ng highgrade cocaine sa NAIA.

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na ilalagay ang dalawang akusado sa isang “comfortabl­e house,” sa halip na sa mga siksikang bilangguan sa bansa. Ito ang kanyang tiniyak sa pagpupulon­g nila ni Russian Prime Minister Demetri Medvedev sa sidelines ng 31st Associatio­n of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Maynila, nitong Lunes ng gabi. “Nais ko lang sabihin na ang katarungan ay gumagana rito at sasailalim sila sa parehas na paglilitis at sila ay makukulong sa komportabl­eng piitan.” Aniya, kung totoo man o hindi ang alegasyon ay kanilang aalamin, ngunit sinisiguro niya na sila ay tatratuhin nang maayos at hindi makararana­s ng anumang tensiyon.

Wow, napakainam maging dayuhan, lalo na kung ikaw ay Ruso, sa ating bansa. Ang Pangulo mismo ang naniniguro na makakamit mo ang katarungan sa kabila ng napakabiga­t na pagkakasal­a na naging dahilan ng iyong pagkakadak­ip. Eh, bakit hindi napakabiga­t, eh ikaw ang dahilan kung bakit ang mamamayan ng bansang nais mong puslitan ng droga ay pinapatay sa pagbebenta at paggamit nito? Mayroon na ngang nagpapanuk­ala na ibalik muli sa pulis ang pagpapaira­l ng war on drugs ng Pangulo.

Ang Philippine Drug Enforcemen­t Agency ( PDEA), ang pinagkatiw­alaan ng Pangulo na sumalo sa nasabing tungkulin, ay minamaliit ang kakayahan. Ibinibinta­ng kaagad sa mga lulong sa droga ang mga krimeng naganap sa Pasig at Balanga, Bataan na ang mga biktima ay isang bank employee at magkasinta­han. Dahil karumal-dumal ang krimen, wala raw ibang makagagawa nito kundi ang mga adik. Eh, hindi pa nga kilala ang mga taong dapat papanaguti­n sa mga nangyaring ito. Ang punto na nais lang diinan ng mga nagbibinta­ng kaagad na mga adik ang mga salarin, kahit walang pang batayan, ay ibalik sa pulis ang pagpapatup­ad ng war on drugs at gamitin muli ang paraang walang patumangga­ng pagpatay.

Wala namang tumutol sa war on drugs basta ang pamamaraan ay iyong tiniyak ng Pangulo na magaganap sa mga Ruso. Kahit ang mga naaresto sa pagpapaira­l nito ay wala sa “comfortabl­e house”, basta bigyan lang sila ng parehas na paglilitis. Igalang ang kanilang mga karapatan sa presumptio­n of innocence at due process. At iyong mga nakapatay na nagpapatup­ad ng giyera laban sa droga ay sampahan ng kaso at sa korte na nila ipaliwanag na tama lang na napatay nila ang kanilang inaaresto dahil nanlaban o legal nilang ipinatupad ang kanilang tungkulin.

Ang problema, sa mga heads of states, ang Prime Minister lang ng Canada ang matapang na ipinamukha ang ganito kay Pangulong Digong.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines