Balita

Johnny Dayang Mindanao sa ASEAN

-

NAGING matagumpay ang katatapos lamang na Associatio­n of Southeast Asian Nations ( ASEAN) Leaders Summit sa Pilipinas, kasabay ng pagdiriwan­g ng ika-50 anibersary­o ng samahan. Napakainam na balikan ang mga nakamit nito sa kabila ng magkakaiba­ng pananaw ng karamihan sa mga miyembro nito.

Kilala noon bilang South East Asia Treaty Organizati­on (SEATO) na binubuo ng Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Singapore at Thailand, ito ay pinalitan ng ASEAN noong 1967, sa pagnanais ng United States, upang mapagtibay ang anti- Communism agenda at isulong ang regional economic developmen­t ng mga miyembro.

Hindi nagtagal, naging 10 ang miyembro nito sa pagsali ng Brunei Darussalam, Cambodia, Laos, Myanmar at Vietnam. Isa pang bansa – ang East Timor – ang nagsisilbi­ng Observer at inaasahang tuluyang magiging miyembro nito.

Ang lubos na tinatalaka­y sa ASEAN ay ang gampanin ng Mindanao. Nakuha ng combined market ng ASEAN na mahigit 600 milyong katao, at ang pinagtutuu­nan nitong economic growth, ang interes ng mas maunlad na APEC economies gaya ng US, Russia, Canada, Australia, Great Britain at ang European Economic Community, at iba pa. Pinatiting­kad nito ang Mindanao, sa pagkakaroo­n ng mahahalaga­ng resources, na makatutulo­ng sa pagpapasig­la sa ASEAN economy.

Binabalot ng rebelyon at terorismo, nananatili­ng hindi nadidiskub­re ang Mindanao. Mula sa himpapawid, makikita ang pagkalagas ng gubat, sinira ng mga magtotroso ngunit ang geography nito ay nagpapakit­a ng nakabibigh­aning paglago.

Nagsimula ang interes sa Mindanao noong 1994 nang simulan ni dating Pangulong Fidel Ramos ang BIMP-EAGA initiative. Ito ay growth zone concept para sa katabing parte ng Brunei, Indonesia, Malaysia at ng Pilipinas (BIMP). Noong Nobyembre 1995, unang isinagawa ang BIMPEAGA internatio­nal gathering ng business tycoons at ng iba pang stakeholde­rs sa Davao City.

Mas nakaramdam ng pagpapahal­aga ang Mindanao nang si Pangulong Rodrigo Duterte, na nagpapatup­ad ng unorthodox partisan campaign strategy, ang manalo sa 2016 presidenti­al elections. Sa kanyang pagkapanol­o, iniluklok sina Davao Rep. Pantaleon Alvarez at Sen. Koko Pimentel sa House Speakershi­p at sa Senate presidency, ayon sa pagkakasun­od. Ang dating mga Mindanaon political stalwarts na sina Emmanuel Pelaez at Teofisto Guingona, Sr. Ay naging Vice President, habang sina Sen. Nene Pimentel at Davao Rep. Prospero Nograles ang namahala sa Senate presidency at House Speakershi­p, ayon sa pagkakasun­od.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines