Balita

Coco is amazing --Kylie Versoza

- Ni JIMI ESCALA

BUKOD kay Ms. Philippine­s - Internatio­nal Mariel

de Leon, leading lady rin pala ni Coco Martin sa Ang Panday si Miss Internatio­nal 2016 Kylie

Verzosa. Ito ang ibinalita sa amin ng isa sa mga namamahala ng publicity ng pelikula.

Diwata raw ang papel ni Kylie na nagmula sa ibang mundo at makikilala naman ng character na ginagampan­an ni Coco bilang si Flavio. Tuwang-tuwa nga raw si Kylie na napasama siya sa pelikulang pinagbibid­ahan, dinirihe at produced ng Primetime at Drama King.

Banggit pa nga raw ni Kylie, kakaibang leading man at direktor si Coco Martin.

“He is amazing. He knew what he wanted right away and what to tell you. It’s difficult to transform from actor to director. Ang galing niya,” sey pa raw ni Kylie.

Samantala, nalaman din namin from another source na may isyung lumabas daw na kesyo hiwalay na raw sina Coco Martin at Julia

Montes na sa totoo lang ay hindi pa rin naman umaamin sa real score nila.

Sinasabing si Julia pa raw ang nakipaghiw­alay kay Coco dahil sa sobrang paghihigpi­t ng huli sa una bilang kasintahan.

Sakal na sakal na raw si Julia sa mga pagbabawal ni Coco. Bawal daw magpahawak ng kamay si Julia sa mga leading man niya at lalong bawal na bawal daw na magkaroon ng love scene ang Kapamilya actress sa mga leading man niya.

Lahat ng mga ito ay itinanggi ng kausap naming publicist ng Ang Panday.

 ??  ?? Kylie
Kylie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines