Balita

Robi at Gretchen, ‘napulutan’ sa Star Awards

- —Jimi Escala

HINDI inakala ng isa sa mga host ng PMPC Star Awards for TV na si Robi Domingo na magkikita sila on stage ng dating kasintahan­g si Gretchen Ho. Kaya nagulat at napailing na lang si Robi sa tuwing aakyat ng entablado ang dating kasintahan para tumanggap ng tropeo.

Ang pagkikita nila sa stage at kasabay pa ng mga medyo pasaring ni Gretchen sa “acceptance speech” na umani ng pangangant­iyaw sa audience. Isa sa mga host ng Umagang

Kayganda si Gretchen kaya siya ang umakyat para tanggapin ang award ng show bilang Best Morning Show at pati na rin sa ibang Kapamilya winners na wala sa venue nang gabing iyon ay si Gretchen ang tumanggap ng awards.

Tuwing umaakyat si Gretchen ay nasa stage rin siyempre si Robi at ikinaaliw ng audience ang reaksiyon ng dalawa sa isa’t isa at ang lakas ng sigawan lalo na nang sabihin ng dalaga na hindi raw gawang biro ang gumising nang maaga para lang sa show nila.

“Hindi biro ang gumising nang maaga. It’s a matter of commitment,” sey ni Ms. Gretchen at lalong nagsigawan ang mga tao sa pagbanggit niya ng salitang ‘ commitment’.

Napailing na lang si Robi at kunwari ay bisingbisi siya sa pagbabasa ng hawak- hawak na cue cards, pero pagkatapos ay itinapon niya sa sahig.

“Hay naku, salamat PMPC,” paulit- ulit na banggit ni Robi sa backstage na para bang masama ang loob.

Inamin ni Robi sa amin na hindi naging maganda ang hiwalayan nila ng dalaga. Natsitsimi­s ngayon si Robi sa Korean Pop Superstar na si Sandara Park na agad din namang itinanggi ni Robi.

Sey pa niya, hindi niya maikaila na type niya si Sandara pero hindi pa raw siya dumating sa puntong nililigawa­n niya ito. Kumbaga, hindi pa raw ngayon ang tamang panahon.

Samantala, may nakuha naman kaming tsika mula sa isang kasama ni Robi na malaki raw ang posibilida­d na babalikan ni Robi ang dalaga.

 ??  ?? Gretchen at Robi
Gretchen at Robi

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines