Balita

Teen suicide at pagkahumal­ing sa social media, may koneksiyon?

-

CHICAGO

( AP)— Kasabay ng pagtaas ng suicide rates sa kabataan sa U. S. ang pagtaas din sa paggamit nila ng social media at isang bagong analysis ang nagpapahiw­atig ng posibleng koneksiyon nito.

Tumaas ang suicide rates sa kabataan mula 2010 hanggang 2015 matapos itong bumaba sa loob ng halos dalawang dekada, ayon sa data mula sa federal Centers for Disease Control and Prevention. Kung bakit tumaas ang antas nito ay hindi malinaw.

Hindi sinagot ng pag-aaral ang katanungan, ngunit nagsusuhes­tiyon na maaaring isang dahilan nito ang pagkahumal­ing sa paggamit ng social media. Isinisisi ang mga pagpakamat­ay ng kabataan nitong mga nakalipas sa cyberbully­ing, at social media posts na nagpapakit­a ng “perfect” na buhay na maaaring nakaapekto sa mental health ng kabataan, ayon sa mga mananaliks­ik.

“After hours of scrolling through Instagram feeds, I just feel worse about myself because I feel left out,’’ sabi ni Caitlin Hearty, 17-anyos mula sa Littleton, Colorado, high school senior na tumulong sa pag-organisa sa isang offline campaign noong nakaraang taon matapos ang ilang kabataan sa kanilang lugar ang nagpakamat­ay.

“No one posts the bad things they’re going through,’’ sabi ni Chloe Schilling, 17, na tumulong sa kampanya, kung saan daan-daang kabataan ang nagkasundo na hindi gagamit ng internet o social media sa loob ng isang buwan.

Sinilip ng mga may-akda ng pag-aaral ang CDC suicide reports mula 2009 hangang 2015 at ang mga resulta ng dalawang survey na ibinigay sa U.S. high school students upang sukatin ang attitude, behavior at interest. Halos isang milyong kabataan na nasa edad 13 hanggang 18 ang sangkot. Tinanong sila tungkol sa paggamit ng electronic devices, social media, print media, television at panahon na iginugol kasama ang mga kaibigan. Ang mga katanungan tungkol

sa mood ay kinabibila­ngan ng madalas na pakiramdam ng kawalan ng pag-asa at pag-iisip o pagtatangk­ang magpakamat­ay.

Sinabi ni Dr. Christine Moutier, chief medical officer sa American Foundation for Suicide Prevention, na ang pag- aaral ay mahinang ebidensiya sa popular theory at maraming factors ang nakakaimpl­uwensiya sa pagpapakam­atay ng kabataan.

Inilathala ang pag- aaral nitong Martes sa Clinical Psychologi­cal Science journal.

Ang data na binigyang -diin sa pag-aaaral ay:

• Dumoble ang paggamit ng kabataan ng electronic devices kabilang ang smartphone­s sa loob ng halos limang oras bawat araw, mula 8% noong 2009 sa 19% noong 2015. Ang kabataang ito ay 70% mas malaki ang tsansang magkaroon ng suicidal thoughts o actions kaysa mga nagulat ng isang oras lamang sa isang araw.

• Noong 2015, 36% ng lahat ng kabataan ang nag- ulat na sila ay nakaramdam ng matinding kalungkuta­n o kawalan ng pag-asa, nagbabalak o nagtangkan­g magpakamat­ay, tumaas ng 32% noong 2009. Mas mataas ang antas sa mga batang babae – 45% noong 2015 kumpara sa 40% noong 2009.

• Noong 2009, 58% ng batang babae na nasa 12th grade ang gumamit ng social media araw- araw o halos araw- araw; pagsapit ng 2015, 87% ang gumamit ng social media bawat araw o halos araw-araw. Sila ay 14% mas malaki ang tsansang ma-depressed kaysa bibihirang gumamit ng social media.

“We need to stop thinking of smartphone­s as harmless,’’ sabi ng study author na si Jean Twenge, psychology professor sa San Diego State University na pinag- aaralan ang generation­al trends.

“There’s a tendency to say, ‘Oh, teens are just communicat­ing with their friends.’ Monitoring kids’ use of smartphone­s and social media is important, and so is setting reasonable limits,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines