Balita

Ika-81 labas

- R.V. VILLANUEVA

TULUYAN

nang na-kidnap ng mga tauhan ni Don Hamoria sina Mang Edgardo at Mang Daniel. At inuutusan nila si Mang Edgardo na sumunod sa kanilang kagustuhan upang hindi mamatay ang kaibigan.

“Hindi kami magdadalaw­ang-isip na gawin ang aming banta kapag may ibang taong nakaalam sa pangyayari­ng ito,” mahigpit ding babala ni Dodong. “Minsan, may pagkakatao­ng higit na mahalaga ang pera kaysa sa buhay ng tao!”

“Hindi kami nagbibiro, mamamatay si Mang Daniel kapag ipinaalam mo ang pangyayari­ng ito sa ibang tao, higit sa mga alagad ng batas,” dagdag na babala ni Harry.

“At tulad ng bilin ni boss, pilitin mo lang makawala pagsapit ng umaga,” wika ni Sendong. “Huwag mong pilitin makawala ngayong gabi dahil mamamatay si Mang Daniel!”

“Pera-pera lang ito at kaunting pabor,” singit ni Rading. “Kaya kung gugustuhin, kayang-kayang ibigay ni Mang Daniel ang hinihingi naming kapalit at kondisyon sa kalayaan niya!”

“Susundin ko ang inyong bilin at gustong mangyari,” sagot ni Mang Edgardo. “Basta tiyakin ninyong ligtas ang aking kaibigan, huwag ninyong sasaktan!”

Matapos ang minsan pang pagulit ni Harry sa bilin at utos kay Mang Edgardo, iniwan nilang nakagapos sa bagong gawang bahay-bakasyunan ng kababata, kumpare at matalik na kaibigan ang kanilang bihag. Labag man sa kagustuhan, napilitang sumunod si Mang Daniel sa gustong mangyari ng apat na lalaking nakasuot ng bonnet na bumihag sa kaniya. Kahit nahihirapa­ng maglakad sa dilim dahil nakagapos ang kamay, patuloy siyang humakbang kasabay nina Sendong at Dodong na umaalalay sa kaniya. Dahil walang taong gumagala sa barangay Bayan-bayan kapag malalim ang gabi, tuloy-tuloy lang sa paglalakad ang grupo ni Harry at bihag na si Mang Daniel papunta sa lugar na kinaroonan ng kanilang sasakyan. Sasakyangd­alawang motorsiklo at isang traysikel na pagsasakya­n sa bihag nilang dating taga-barangay Bayan-bayang matagal nagtrabaho sa ibang bansa.

“Hindi muna natin isasakay sa traysikel si Mang Daniel,” wika ni Harry. “May gagawin muna tayo sa kaniya!”

“Boss, anong gagawin natin sa kaniya?” Tanong ni Rading.

“Paiikutin natin para mahilo upang hindi niya matandaan kung saang direksyon siya dinala mula sa bahay- bakasyunan,” paliwanag Harry.

“Tama ang naisip mong ‘yan, boss,” sagot ni Dodong. “Dahil kapag nahilo siya, makawala man sa pagkakabih­ag natin, hindi basta-basta makakabali­k sa lugar na ito!”

At ginawa nina Sendong at Dodong ang gustong mangyari ni Harry kay Mang Daniel para mahilo at hindi matandaan kung saang lugar nanggaling bago nakarating sa lugar nilang pagdadalha­n. Makailang beses nilang pinaikot ang bihag na nakagapos para mahilo at maganap ang gustong mangyari ng lider ng kanilang grupong si Harry.

Matapos magawa ang utos, isinakay si Mang Daniel nina Sendong at Dodong sa traysikel na minamaneho ni Rolan. Agadpinata­kbo ni Harry ang kinalulula­nang motorsiklo patungo sa burol ng Mahantik na kinatitiri­kan ng bagonggawa­ng koprahang gagawin nilang hideout habang bihag si Mang Daniel. Wala ring sinayang na sandali sina Rading at Rolan, mabilis nilang pinasunod ang minamaneho nilang motorsiklo at traysikel sa daang tinahak ng sasakyan. Dahil makailang beses pinaikot nina Sendong at Dodong, pilitin man ni Mang Daniel na alamin kung saan direksyon patungo ang kinalulula­nang sasakyan, hindi niya magawa dahil nahihilo.

“Mang Daniel, nagsasayan­g ka lang ng isip kung pipilitin mong malaman kung saang direksyon tayo papunta,” wika ni Rolan.

“Tama ang sabi ng kasama ko, Mang Daniel,” sagot ni Sendong na katabi ni Mang Daniel sa traysikel. “Nagsasayan­g ka lang ng utak at panahon kung gagawin ang bagay na ‘yan!”

“Tama kayo,” sagot ni Mang Daniel. “Talagang hindi ko ito magagawa!” Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines