Balita

Pelicans, gutay sa Raptors

-

NEW ORLEANS (AP) — Umulan ng tres sa home court ng New Orleans Pelicans, ngunit nagmula ito sa kampo ng Toronto Raptors.

Kumana ng 16-three pointers sa 34 na tira ang Raptors, sa pangunguna ni CJ Miles na kumana ng 5-fot-9 para sa kabuuang 19 puntos sa panalo ng Raptors, 125116, nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Hataw si DeMar DeRozan sa nakubrang 25 puntos, habang kumana sina Kyle Lowry na may 22 puntos, Jonas Valanciuna­s na may 21 puntos at nag-ambag sina Serge Ibaka at Pascal Siakam ng 12 at 10 punto, ayon sa pagkakasun­od.

Nanguna sa Pelicans si DeMarcus Cousins sa naiskor na 25 puntos, habang tumipa si Anthony Davis ng 19 puntos.

Nakabante ang Pelicans sa pinakamala­king 14 puntos na bentahe sa first quarter, ngunit nagawang makahabol ng Raptors mula sa outside shooting.

SIXERS 115, LAKERS 109

Sa Lo Angeles, naitala ni Joel Embiid ang career-high 46 puntos para sandigan ang Philadelph­ia 76ers kontra Lakers.

Nakopo ng Sixers ang ikalawang sunod na panalo matapos daigin ang Clippers para sa 8-6 karta.

Nag-ambag Robert Covington ng 12 puntos at humugit si JJ Redick ng 11 puntos sa Philadelph­ia.

Nanguna si Brandon Ingram sa Lakers sa nasikwat na 26 puntos, habang kumabig si Kyle Kuzma ng 24 puntos.

Nalimitaha­n si Lakers starting guard Lonzo Ball sa dalawang puntos mula sa 1-of-9 sa field goal kabilang ang anim na three-pointer. Ibinangki siya sa final period tulad nang laro ng Lakers kontra Phoenix.

CAVS 115, HORNETS 107

Sa Charlotte, N.C., nahila ni LeBron James at ng Cleveland Cavaliers ang dominasyon sa Charlotte Hornets.

“Our defense was phenomenal,” pahayag ni James, umiskor ng 31 puntos para sa ikapitong panalo laban sa Charlotte. “We had a great game plan and we were just in tune. We executed it.”

Lima sa 13 turnover ng Hornets ay sa krusyal na sandali, sapat para makaalpas ang Cavs.

“They showed — you can say whatever you want — they’re the best team in the East, when they want to (be),” sambit ni Hornets guard Nic Batum.

Mula a 86-84, tuluyang umarya ang Cavs sa three-pointer ni Kyle Korver may 1:06 ang nalalabi sa laro.

Nagsalansa­n si Kevin Love sa Cavaliers sa naiskor na 22 puntos at 10 rebounds, kumasa si Jeff Green na may 13 puntos, Korver na may 11 puntos at J.R. Smith ng10 para sa ikatllong sunod na panalo ng Cavaliers ang buhay ko.

THUNDER 92, BULLS 79

Sa Oklahoma City, ginapi ng Thunder ang Chicago Bulls.

Umiskor si Russell Westbrook ng 21 puntos at pitong assists sa panalo ng Thunder kontra Chicago Bulls.

Sa iba pang resulta, pinatulog ng New Yorks Knicks, sa pangunguna ni Tim Hardaway Jr. na umiskor ng 26 puntos ang Utah Jazz, 106101;ginapi ng Indiana Pacers ang Memphis Grizzlies, 116-113; nagwagi ang Milwaukee Bucks kontra Detroit Pistons, 99-95; pinalamig ng Washington Wizards ang Miami Heat, 102-93.

 ?? PILIT humuhulagp­os si LeBron James sa depensa ni Dwight Howard sa kainitan ng kanilang laro sa NBA. AP ??
PILIT humuhulagp­os si LeBron James sa depensa ni Dwight Howard sa kainitan ng kanilang laro sa NBA. AP

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines