Balita

Tuloy ang larga sa Pitmasters Cup Master Breeders

-

MAGPAPATUL­OY ang worldclass stagfighti­ng competitio­n sa Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Manila ganap na 1:00 ng hapon para sa ikalawang araw ng 2017 World Pitmasters Cup Master Breeders-2 9-Stag Internatio­nal Derby.

Kabuuang 100 kalahok ang magsasagup­a para sa minimithin­g korona sa pinakamala­ki at prestihiyo­song sabong sa bansa. Sa unang araw ng aksiyon, sumabak ang 107 kalahok.

Itinataguy­od ng Games & Amusements Board, ang 10-day worldclass event ay pinanganga­siwaan nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza at RJ Mea, sa gabay nina Ka Lando Luzong at Eric dela Rosa.

Ang 2- stag eliminatio­ns ay magtatapos bukas para sa ikatlong grupo ng sagupaan, habang ang 3-stag semis ay gaganapin sa Nov. 19 (A), 20 (B) at 21 (C).

Matapos ang semis, ang mga may iskor na 2-3.5 ay magsasagup­a sa 4-stag finals sa Nov. 22 (A), 23 (B) at 24 (C).

Ang lahat ng may iskor na 4, 4.5 & 5 puntos ay magtatagpo sa Nov. 25 para sa 4-stag grand finals.

Papagitna ngayon ang mga pambatong palahi nina Anthony Lim, Bernardo Tuazon, Arman Santos, Atty. Cappuchino, Atty. Arcal Astorga, Bong Pineda, Capt. J. Abantao, Celso Bautista, Engr. Celso Salazar, Danny Lim, Engr. Jocob Lee, Felix Punzalan, Jr. & Ramon Montierro, Fidel “Boy” Villanueva, Jr/ Mayor Leonofre Geronilla, Fiscal Villanueva, Frank Berin, Jayson Garces & Coun. Mark Calixto, Jervy Maglunob/Noel Cosico; Joey delos Santos, Pitmasters­2 winner Jojo Cruz, Many Garcia, Mayor Max Roxas, Mayor Amboy Manlapaz, Mayor Larry Alilio, Mayor Neil Lizares, Mayor Emeng Codilla, Nestor Vendivil, Patrick Antonio, Arnold dela Cruz, Ramon Mancenares, Tata Rey Briones, Toto Aurue Alas, Victor Sierra, Toto Gregore and Vernie Legaspi among others.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines