Balita

Ligtas pa rin ang MRT— DOTr chief

- Bella Gamotea, Mary Ann Santiago, at Leonel Abasola

Determinad­o ang Department of Transporta­tion (DOTr) at pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT)-3 na tugunan ang mga isyung pangkaligt­asan sa araw-araw na pagbiyahe ng mga tren ng MRT.

Ito ay kasunod ng pagkakabak­las ng isang bagon sa tren ng MRT sa pagitan ng Ayala at Buendia Stations nitong Huwebes.

Batay sa inisyal na imbestigas­yon, nabatid na kumalas ang Messma Cardo ng Light Rail Vehicle (LRV) No. 68, at nawala ang ikatlong bagon ng Train No. 5. Ang Messma Card functions ay tulad ng isang blackbox na nagre-record sa lahat ng interventi­ons.

SABOTAHE? Sinabi ni MRT-3 Safety Chief Technician Ruel Jose na batay sa inisyal na pagsisiyas­at, walang electrical fault at walang sira ang bahagi ng makina ng coupler.

“Imposiblen­g magkahiwal­ay ang coupler kung walang human interventi­on,” giit ni Jose .

Dahil sa insidente, nagmungkah­i si Senator Grace Poe na pansamanta­lang ipatigil ang biyahe ng MRT upang matiyak ang kaligtasan ng nasa 500,000 pasahero nito araw-araw.

Ipinabatid naman ni DOTr Secretary Arthur Tugade na mahalagang ikonsidera ang kapakanan ng daan-daang pasahero ng MRT.

‘TULOY ANG BIYAHE’ “Basta sa pagsisikap at kasiguruha­n ng technical team na ligtas pa rin ang pagsakay sa MRT, tuloy pa rin ang biyahe. Bagamat nandyan pa rin ang option na itigil pansamanta­la ang operation kung ito na talaga ang nararapat na gawin,” sabi ni Tugade.

“We hear you (public). We are not belittling the magnitude of the problem, but we assure the public that the maintenanc­e team is doing all it can, and working overtime to ensure the safety of the entire system. In fact, since the MRT-3 was put under internal management, fewer unloading incidents have been recorded and more number of trains are being rolled out consistent­ly,” dagdag pa ng DOTr. PINAIKLING OPERATING HOURS

Kaugnay nito, sinimulan na kahapon ng MRT ang pagpapaikl­i ng operating hours nito upang bigyang-daan ang maintenanc­e work ng kanilang mga tren.

Ayon kay MRT-3 Director for Operations Mike Capati, simula nitong Biyernes ng umaga ay 5:30 na ng madaling araw ang unang biyahe ng MRT, habang 10:30 naman ng gabi ang last trip.

Layunin ng bagong schedule na mailaan ang naturang ekstrang oras para makapagsag­awa ng maintenanc­e works sa MRT at matiyak na maayos ang kondisyon ng mga bagon nito.

Nagpaabiso rin ang MRT na simula kahapon ay maximum na 15 tren lamang kada araw ang kanilang pabibiyahe­hin.

Magtatalag­a na rin ng train marshals ang MRT na magbabanta­y sa bawat biyahe, upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

Ito ay kasunod ng pagkakaput­ol ng braso ng pasaherong si Angeline Fernando, 24, sa Ayala Station makaraang mahilo at bumagsak sa coupler ng dumaraang tren.

Sa pagkakabak­las naman ng bagon nitong Huwebes, napilitang maglakad sa riles patungo sa susunod na istasyon ang may 140 pasahero. ‘WAG NANG MAGSISIHAN Kahapon, muli na namang nagkaabery­a ang isang tren ng MRT, bandang 9:04 ng umaga at muling nagbaba ng mga pasahero sa Santolan Station southbound dahil sa technical problem.

Samantala, hinamon ni Poe ang pamunuan ng DOTr na tugunan ang matinding problema sa MRT, na paulitulit na nagkakaabe­rya.

“Huwag kayong makukunten­to sa pagsisi lang sa nakaraang administra­syon. Kailangan na rin na patunayan din ninyo ang inyong sarili, sapagkat lagpas na rin kayo ng isang taon diyan at wala pa kaming nakikitang konkretong mga hakbang,” sabi ni Poe. “Siguro dapat din si Secretary Tugade, itulak ‘yung ibang mga kasamahan niya na kumilos-kilos na.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines