Balita

Lola nabudol-budol, R250,000 ipina-withdraw

- Kate Louise B. Javier

Isang 75-anyos na negosyante ang ninakawan ng pera, alahas at iba pang gamit, na nagkakahal­aga ng P258, 000, ng pitong miyembro ng “budolbudol” gang na nangako sa kanya ng telebisyon sa Caloocan City nitong Miyerkules.

Sa ulat na ipinaratin­g kay Sr. Supt. Jemar Modequillo, hepe ng Caloocan police, kinilala ang biktima na si Florencian Garcia, 75, tupperware dealer, ng Six Avenue, Caloocan City.

Sa closed- circuit television footage, bandang 9:00 ng umaga ay naglalakad si Garcia sa kahabaan ng Dela Fuente Street sa Maynila nang lapitan siya ng isang babae at nagtanong kung saan makakabili ng alkanilize­r, sinabing kailangan niya ito para sa operasyon ng kanyang ama.

“Supect No.1 pretended that she was not familiar in the place while talking with the victim. Few minutes later, another female suspect arrived and approached the two, she told them that she know where to buy an alkanilize­r,” sabi ni Police Officer 1 Benjie Nalogoc, may hawak ng kaso.

Sinabing siya ay na-hypnotize, sumama si Garcia sa dalawang babae sa loob ng van, isa sa mga babae ang nangako kay Garcia ng telebisyon kapag nakabili na sila ng alkanilize­r.

“The woman told Garcia that she know a promo that if they buy two alkanilize­rs, they will have a free television – and they promised to give that to the victim,” sinabi ni Nalogoc sa Balita.

Sinabi ng mga imbestigad­or na dinala ng mga suspek si Garcia sa bahay nito sa Caloocan nang malaman na mayroon siyang passbook.

Makalipas ang ilang minuto, muling sumakay si Garcia sa van kung saan siya inutusang i- withdarw ang pera na P200,000.

Sinabi ni Garcia sa police na pitong katao na ang nasa loob ng van ( apat na babae at tatlong lalaki), kabilang ang driver, sa muli niyang pagsakay sa sasakyan nang i-withdraw niya ang kanyang savings.

“She was then instructed to place all of her money, jewelries and tupperware­s inside a paper bag. Other suspects also put their money inside the bag before they wrapped it with a packaging tape. She was then brought to her house bringing with her the paper bag,” sabi ni Nalogoc.

“The suspects promised to return after an hour bringing to her the television,” dagdag ni Nalogoc.

Makalipas ang dalawang oras na paghihinta­y, nag-alala na si Garcia kaya binuksan niya ang paper bag at nakita ang bungkos ng papel sa halip na pera.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines