Balita

Ayaw na ng Pangulo sa pamahalaan­g rebolusyon­aryo

-

NASA Da Nang sa Vietnam si Pangulong Duterte para dumalo sa Asia-Pacific Economic Conference (APEC) Summit nang ihayag niya noong Nobyembre 10 na hindi na siya magdedekla­ra ng gobyernong rebolusyon­aryo, isang ideyang pinalutang niya noong nakaraang buwan sakaling magbunsod ng kaguluhan ang aniya’y pinaplanon­g destabilis­asyon laban sa kanya.

Sinabi niyang kabilang ang mga rebeldeng Komunista at maging ang Central Intelligen­ce Agency (CIA) ng Amerika sa mga nagpaplano ng destabilis­asyon laban sa kanya. Kaagad namang itinanggi ni US Ambassador Sung Kim na sangkot ang CIA sa balak na patalsikin sa puwesto ang Pangulo.

Sa press conference sa Vietnam, sinabi ng Pangulo na hindi na niya ikinokonsi­dera ang pagdedekla­ra ng rebolusyon­aryong pamahalaan bilang alternatib­o, dahil alam niyang hindi ito susuportah­an ng militar.

Dalawang araw bago ito, Nobyembre 8, binigyan ng Armed Forces of the Philippine­s, sa pangunguna ng bagong talagang chief-of-staff na si Lt. Gen. Rey Leonardo Guerrero, si Vice President Leni Robredo ng security briefing sa tanggapan ng Philippine Air Force sa Pasay City. Sa nasabing okasyon tiniyak ng mga opisyal ng militar na hindi nila susuportah­an ang anumang hakbangin sa pagtatatag ng isang gobyernong rebolusyon­aryo.

Sinabi ng Pangulo na tinanong niya ang mga heneral tungkol sa usapin. “Tinanong ko ang military. Sabi nila, hindi kami susuporta ng revolution­ary government,” aniya. “O, sige. ‘Di hindi tayo mag-revolution­ary government.”

Ang huling beses na nagtangka ang isang pangulo ng Pilipinas na sugpuin ang rebolusyon ay noong 1972 nang magdeklara si Pangulong Ferdinand Marcos ng batas militar at ipinasara ang Kongreso at ang iba pang tanggapan ng pamahalaan. Patuloy niyang pinamunuan ang bansa hanggang sa mapatalsik siya sa puwesto dahil sa People Power Revolution noong 1986. Sa bagong Konstitusy­on noong 1987 — na umiiral ngayon — labis na nilimitaha­n ang batas militar, na kinakailan­gang may permiso ng Kongreso bago maideklara. Ito ang dahilan kaya nabanggit ni Pangulong Duterte ang tungkol sa rebolusyon­aryong pamahalaan, nang talakayin niya ang tungkol sa pagsugpo sa mga bagong banta sa katatagan ng bansa.

Kaisa tayo ng Pangulo sa pagkokonsi­dera ng lahat ng posibleng paraan upang matiyak ang katatagan ng bansa, subalit ang ideya ng pamahalaan­g rebolusyon­aryo ay hindi susuportah­an. Kaagad itong tinanggiha­n ng mismong militar, bagamat ito ang pangunahin­g magpapatup­ad dito sakaling maisakatup­aran.

Walang papalit sa mga institusyo­n ng ating pamahalaan — ang Ehekutibo, Lehislatib­o, at Hudikatura — na bawat isa ay may kani-kanyang awtoridad at responsibi­lidad, binabalans­e ang bawat isa, sumusuport­a sa isa’t isa sa pagtupad sa kani-kanilang tungkulin at gawain, upang maiwasan ang anumang pag-abuso.

Sa ilalim ng sistemang ito, magtatagal ang pagpapatup­ad sa mga kinakailan­gang reporma. Subalit ang isang mahusay na pinunong gaya ni Pangulong Duterte ay dapat na malayang maipatupad ang kanyang mga hangarin at magbunsod ng mga pinakakina­kailangang pagbabago katuwang ang buong pamahalaan, at higit sa lahat, ang mamamayan ng bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines