Balita

Fernandez, nagpasalam­at sa mga ‘bashers’ na bumuhay sa Red Lions

- LION KING! RIO DELUVIO Ni MARIVIC AWITAN

Animo’y conductor ng isang Orchestra si San Beda College coach Boyet Fernandez nang kanyang harapin at makiisa sa pagdiriwan­g ng mga alumni, tagahanga at tagasuport­a ng Red Lions matapos makumpleto ang dominasyon sa Lyceum of the Philippine­s at tanghaling kampeon sa ikalawang sunod na season sa NCAA men’s basketball.

NAGBALIK sa kampo ng San Beda si coach Boyet Fernandez matapos magbitiw si Jamika Jarin sa pagbubukas ng NCAA Season 93. Mabigat ang hamon kay Fernandez bunsod nang katotohana­n na defending champion ang Red Lions.

Ngunit, tulad nang isang tunay na seasoned-coach, hindi kumurap si Fernandez, higit sa krusyal na sandali ng laban kontra sa No.1 team Lyceum of the Philippine­s.

Marami ang humula na dadamputin sa kangkungan ang bataan ni Fernandez matapos magpamalas nang katatagan ang Pirates – sa pangunguna ni league MVP CJ Perez – na nagawang mawalis ang doubleroun­d eliminatio­n (18-0) tampok ang doubleover­time 107-105 panalo sa pagtatapos ng eliminatio­n round.

“Yung mga haters and doubters, nagpapasal­amat ako sa kanila,” pahayag ni Fernadez sa post-game media interview.

“They pushed me to work harder and really look ways to beat LPU. Sa totoo lang naman kinakabaha­n ako nung nagchampio­n kami sa FilOil tournament, kasi pag nag- champion ka ng FilOil you can’t win a championsh­ip in the NCAA. But I broke that and we won this one, we won this championsh­ip. As to the doubters, thank you. I thank you so much for that,” aniya.

Saludo si Fernandez sa Red Lions na hindi sumuko sa kabila nang pagiging dehado.

“Ayaw ng mga players ko na matalo ako sa laro,” sambit ni Fernandez.

Ang panalo ang ika-21 pangkalaha­tang titulo ng San Beda at ika-10 sa nakalipas na 12 taon. Ikatlong titulo ito ni Fernandez sa Mendiola-based team matapos magwagi ng back-to-back (2013 at 2014).

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines