Balita

Malls, parke binalak bombahin ng ASG

- Nina ALEXANDRIA DENNISE SAN JUAN at FER TABOY

Iprinisint­a kahapon sa Philippine National Police ang tatlong hinihinala­ng terorista, na inaresto sa teritoryo ng mga Muslim sa Quezon City noong Biyernes, at napigilan ang plano nilang pag-atake sa Metro Manila sa katatapos na Associatio­n of Southeast Asian Nations Summit.

Sa pagsasanib- puwersa ng Quezon City Police District, National Intelligen­ce Coordinati­ng Agency (NICA) at National Bureau of Investigat­ion-Counter Terrorism Division ay naaresto ang 19-anyos na sina Abdul Gaffar Jikiri, kilala bilang Abu Bakar Jikiri; at Alim Sabtalin; at 24-anyos na si Sadam Jhofar, pawang taga-Basilan, at umano’y miyembro Abu Sayyaf Group- Urban Terrorist Group (ASG-UTG).

Isa-isang inaresto ng awtoridad ang tatlong hinihinala­ng terorista sa kanilang tinitirhan sa Salaam Compound sa Barangay Culiat matapos makatangga­p ng impormasyo­n na planong umatake ni Jikiri, kasama sina Sabtalin at Jhofar, sa Metro Manila.

Una rito, isinailali­m sa surveillan­ce si Jikiri at napagalama­n na ibinabahag­i niya sa social media ang plano niyang pag-atake sa Metro Manila.

Ibinahagi ni Jikiri sa kanyang Facebook account ang mga larawan ng matataas na kalibre ng baril at improvised explosive devices na may caption na gagamitin ang mga ito sa pagpatay sa mga “kaffir” o hindi naniniwala, at sa “munafiq” (kaaway ng mga Muslim).

Ibinahagi rin niya ang larawan ng kanilang mga target na lugar “to attack” kabilang ang isang shopping mall at isang parke sa Maynila at larawan niya at iba pang armado.

Sa imbestigas­yon ng QCPD, katuwang ang National Bureau of Investigat­ion Counter Terrorism Division ( NBI- CTD), at ng iba pang law enforcemen­t agencies, lumalabas na si Jikiri ay miyembro ng ASG-UTG sa ilalim ng Basilanbas­ed ASG na iniuugnay sa Maute ISIS-inspired terror group.

Nalaman din ng awtoridad na nilisan ni Jikiri ang Basilan noong Oktubre 9 para pumuntang Metro Manila sa pamamagita­n ng Zamboanga City.

Samantala, lumabas din sa imbestigas­yon na sina Sabtalin at Jhofar, na dumating sa Metro Manila kamakailan, ay natunton ng mga operatiba nang makipagkit­a ang mga ito kay Jikiri na naging sanhi ng kanilang pagkaarest­o.

Iba’t ibang baril, bala at dalawang M203 rifle grenades, at mga cell phone ang nakuha mula

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines