Balita

Coco, ibibisto ni Angeline

-

NAGBABADYA­NG masira ang lahat ng plano nina Cardo ( Coco Martin) at Romulo ( Lito Lapid) sa pagbabalik nila ng Maynila dahil kasado na ang pagsuplong sa kanila ni Regine ( Angeline Quinto) upang makuha ang pabuyang nakapatong sa kanilang ulo sa FPJ’s Ang Probinsyan­o.

Sa muling pagtapak ni Cardo sa Maynila kasama si Romulo, nakilala nila ang pamilya ni Daga ( Rico J.

Puno), isa sa mga dating kasapi ng pangkat, upang tulungan silang mahuli si Alakdan ( Jhong Hilario).

Ngunit hindi naging maayos ang pagtanggap sa kanila ng anak nito na si Regine dahil inihahalin­tulad sila ng dalaga sa mga taong pumatay sa kanyang kuya, kaya malaki ang galit nito sa mga miyembro ng rebeldeng grupo.

Upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid, sasamantal­ahin ni Regine ang tiwalang ibinibigay nina Cardo at Romulo sa kanyang ama at sisiguradu­hing mahuhuli sila ng mga awtoridad, at para rin na makuha ang P10 milyong pabuya.

Hindi naman magpapatal­o si Cardo at gagawin ang lahat upang maisakatup­aran ang kanyang mga planong pagtugis kay Alakdan at pagsiwalat sa kasakiman ni Direktor Hipolito ( John Arcilla).

Magtagumpa­y kaya si Regine sa kanyang plano? Makaligtas naman kaya si Cardo?

Tutukan ang maaaksiyon­g tagpo sa FPJ’s Ang

Probinsyan­o, ang nangunguna­ng serye sa bansa, gabi- gabi sa ABS- CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para mapanood ang past episode ng palabas, mag-log in lamang sa iWant TV o sa skyondeman­d.com.ph para sa Sky subscriber­s.

 ??  ?? Angeline
Angeline
 ??  ?? Coco
Coco

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines