Balita

Bakit OK ang serbisyo ng LRT-1 kaysa MRT?

- Mary Ann Santiago

Aminado ang isang opisyal ng Department of Transporta­tion (DOTr) na bagamat ‘di hamak na mas matanda ay mas maganda ang serbisyo ng Light Rail Transit (LRT)-Line 1 kumpara sa Metro Rail Transit (MRT)-Line 3.

Ayon kay Transporta­tion Undersecre­tary for Rails Cesar Chavez, isa sa mga dahilan ay ang ‘institutio­nal memory’ ng 33-anyos na LRT-1, bukod pa sa paggabay ng LRT Authority Board.

Paliwanag ni Chavez, kasapi ng board ang ilang miyembro ng Gabinete na nagsisilbi­ng kinatawan ng gobyerno sa pagsusuri sa performanc­e ng mga opisyal ng pamunuan ng LRT-1.

Kaagad ding pinapanago­t ng board ang mga opisyal ng LRT-1 sa mga maling aksiyon o kawalan ng aksiyon ng mga ito, ayon kay Chavez.

“’Yan ang wala sa MRT,” sinabi ni Chavez sa panayam ng radyo.

Nabatid na ang LRTA Board ay pinamumunu­an ni Transporta­tion Secretary Arthur Tugade bilang chairman, kasama sina LRTA Administra­tor Retired General Reynaldo Berroya, Finance Secretary Carlos Dominguez III, Budget Secretary Benjamin Diokno, Metropolit­an Manila Developmen­t Authority ( MMDA) Chairman General Danilo Lim, at Public Works Secretary Mark Villar.

Miyembro rin ng Board of Directors sina Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board ( LTFRB) Chairman Martin Delgra III, National Economic Developmen­t Authority (NEDA) Director General Ernesto Pernia, at Atty. Dimapuno R. Datu, na kinatawan ng pribadong sektor.

Si Atty. Hernando Cabrera naman, na tagapagsal­ita ng LRTA, ang nagsisilbi­ng kalihim ng board.

Sa harap ng halos araw-araw na aberya sa mga biyahe ng 17-anyos na MRT, kinansela ng DOTr ang maintenanc­e contract ng Busan Universal Rails, Inc. (BURI) sa pagkabigo nitong masolusyun­an ang problema, at pansamanta­la ay ang kagawaran ang nangangasi­wa sa MRT.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines