Red Wednesday campaign para sa mga pinatay na Kristiyano
Bilang pakikiisa sa mga Kristiyanong inuusig sa iba’t ibang lugar, iniimbitahan ng Aid to the Church in Need ang lahat, partikular na ang mga Pilipinong Katoliko, na magsuot ng pula sa Miyerkules, Nobyembre 22.
Sa nasabing araw, ilulunsad ang “Red Wednesday” campaign upang ipalaganap ang kamuwangan sa mga Pilipinong Kristiyano tungkol sa karumaldumal na pagpatay sa mga Kristiyano sa mundo.
“Red is the color of martyrdom in the Christian faith. The Red Wednesday campaign will shine a light on religious persecution and will honor all Christians who have suffered and died for Christ,” ayon sa pahayag ng ACN.
“Given that our country is predominantly Christian, Filipinos find it difficult to grasp a reality where Christians can be persecuted. Many are not even aware of how difficult it is to practice the Christian faith in some areas of Muslim Mindanao,” ayon pa sa ACN.
“Let Red Wednesday be the start for Filipinos to lend their voice to the global call to uphold religious freedom and advocate for inter-faith harmony,” dagdag ng grupo.
Base sa pag-aaral ng Center for New Religions, mahigit 90,000 Kristiyano ang pinatay noong 2016 o katumbas ng isang Kristiyano na pinatay sa loob ng anim na minuto.
Lumalabas din sa pagaaral na kalahating bilyon ng mga Kristiyano ay hindi magawang ipakita ang kanilang pananampalataya na nagkumpirma sa pahayag ni Pope Francis na mas maraming Kristiyano ang naghihirap ngayon kumpara noon.
Bilang isang pamilyang Kristiyano, nagpahayag ng pagasa ang ACN na sa mangibabaw ang pagmamahal sa pagpapakita ng pagkakaisa at pagkukunan ng lakas ng mga Kristiyano sa buong mundo sa pagpapadala ng mensahe na hindi sila nagiisa at iisa tayo sa kanilang laban para sa mas maayos na mundo kung saan ang pagtanggap, pagmamahal at respeto sa bawat isa ay ang pagpapakita ng ating pananampalatay sa Panginoon.
Kaugnay nito, pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriele Giordano Caccia ang Red Wednesday holy mass sa Manila Cathedral sa Intramuros, Maynila, sa ganap na 5:30 ng hapon sa Nobyembre 22.