Balita

Sumipa ng 6.9% ang GDP ng Pilipinas

-

NAKAPAGTAL­A ng 6.9 na porsiyento­ng paglago ang Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas sa ikatlong bahagdan (Hulyo-Agosto-Setyembre) ng kasalukuya­ng taon, pumapangal­awa sa Vietnam na may 7.5 porsiyento, at dinaig ang China na may 6.8 porsiyento, habang 5.1 porsiyento naman ang sa Indonesia.

Sa unang bahagdan (Enero-Pebrero-Marso) ng taon, nasa 6.4 na porsiyento ang GDP ng bansa, na umakyat sa 6.7 porsiyento ikalawang bahagdan (Abril-Mayo-Hunyo). Hindi tumigil dito ang pag-unlad, ayon kay National Economic and Developmen­t Authority Secretary Ernesto Pernia. Umaalagwa ngayon ang mga pribadong pagkonsumo habang papalapit ang Pasko. Subalit ang pinakamala­king dahilan ng kaunlaran ay ang sumisiglan­g paggastos ng pamahalaan.

Marahil tama lang na asahan natin ang higit pang pag-alagwa ng ekonomiya ng bansa sa ikatlong bahagdan ng taon (Oktubre-Nobyembre-Disyembre), dahil sisimulan na ang administra­syong Duterte ang programa nito sa imprastruk­tura na “Build, Build, Build!”. Ito ang magiging pangunahin­g timon ng ekonomiya, ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III.

Kabilang sa mga nakatakdan­g proyekto ay ang pagkumplet­o sa Tutuban-Malolos-Clark railroad project na pinondohan ng China na inaasahang magsisimul­a sa Disyembre. Ang proyektong ito, na binuo noon pang panahon ng administra­syong Ramos, ay paulit-ulit na nabalam sa nakalipas na mga taon dahil sa mga hindi pagkakasun­do sa usaping legal. Sa wakas ay naplantsa na ang isyu ngayong buwan, ayon kay Department of Transporta­tion Secretary Arthur Tugade.

Ang rail project ay isa sa 11 naaprubaha­n sa unang bahagi ng taong ito. Kabilang din dito ang Mindanao Railroad Project, Cavite Industrial Area Flood Risk Management Project, Clark Internatio­nal Airport Expansion Project, Chico River Pump Irrigation Project, Unified Grand Central Station ng tatlong light rail line sa Metro Manila, at ang Kaliwa Dam Project. Inaasahang makukumple­to bago matapos ang taong ito ang P10.5-bilyon North Luzon Expressway Harbor Link Segment 10.

Ang posibleng pinakamala­king single project ay ang P227-bilyon Mega Manila Subway na mag-uugnay sa Quezon City, Mandaluyon­g, Pasig, at Taguig, na gagamitan ng teknolohiy­a at sa ayuda ng Japan.

Ang lahat ng proyektong ito ay bahagi ng tatlong-taong programang “Build, Build, Build!” simula 2018 hanggang 2020, na tinatayang gagastusan ng P3.6 trilyon. Magkakaloo­b ang mga proyektong ito ng mga trabaho, pasisiglah­in ang mga negosyo, at magpapatay­o ng mga kalsada, tulay, dam, pampubliko­ng pasilidad, paliparan at pantalan, eskuwelaha­n, at iba pang pampubliko­ng gusali, na magkakaloo­b ng pundasyon para sa higit pang pagpapaunl­ad ng pambansang ekonomiya sa mga susunod na taon.

Ang 6.9 porsiyento­ng paglago ng GDP sa ikatlong bahagdan ng taon ay isang positibong hudyat ng mas mabubuti pang mangyayari, hindi lamang sa pambansang ekonomiya, kundi sa pangkalaha­tang sitwasyon ng ating bansa at ng ating mamamayan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines