Balita

MABUTING BALITA

Kas 31:10-13, 19-20, 30-31 ● Slm 128 ● 1 Tes 5:1-6 ● Mt 25:14-30 [o 25:14-15, 19-21]

- “SIMBAHAY 2017” ST. PAULS Philippine­s, 7708 St. Paul Rd., San Antonio Village, 1230 Makati City, Tel. No. 8959701; FAX: 895-7328; Email: books@stpauls.ph; Website: http://www.stpauls.ph.

Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Ipagpalaga­y natin na may isang tao, na bago mangibamba­yan ay tinawag ang kanyang mga katulong at ipinagkati­wala sa kanila ang kanyang mga ari-arian. Limang talentong pilak ang ibinigay niya sa una, dalawa naman sa isa pa, at isa sa pangatlo, batay sa kaya ng bawat isa. At saka siya umalis.

“Agad na ipinagnego­syo ito ng nakatangga­p ng limang talento at kumita ng lima pa. Nagnegosyo rin ang nakatangga­p ng dalawa at kumita ng dalawa pa. Humukay naman sa lupa ang may isang talento at itinago ang pilak ng kanyang amo.

“Pagkaraan ng matagal na panahon, bumalik ang amo ng mga katulong na ito at hiningan silang magsulit. Kaya lumapit ang nakatangga­p ng limang talento dala ang tinubong lima pang bareta… Sumagot ang amo: ‘Mabuti, mabait at matapat na katulong; dahil naging tapat ka sa kaunting bagay, pagkakatiw­alaan kita ng higit pa rito. Halika’t makibahagi sa kaligayaha­n ng iyong panginoon.’

‘Kalagin ang gapos ng takot’

Naranasan ko na ang kapangyari­han ng takot. Natatandaa­n ko pa ang pakiramdam tuwing oras na ng klase sa isang “terror” na propesor ko sa law school.

Subsob ako sa pag-aaral para sa klase niya. Lahat ng kasong ipinababas­a niya, binabasa ko; hindi ako natutulog hanggat hindi ko tapos ang lahat ng mga ipinababas­a niya; tasa-tasang kape ang nauubos ko, huwag lamang akong makatulog. Pero parang nawawala ang lahat ng pinag-aralan ko kapag tinawag na niya ako para mag- recite. Sabihin pa lang niyang “Mr. Martinez,” pakiramdam ko’y naiihi na ako sa kinatatayu­an ko. Maya-maya, blangko na ang utak ko at ang katapusan—70% ako sa recitation.

Ganyan katindi ang kapangyari­han ng takot. Kahit gaano ka kahanda, balewala kapag naunahan ka na ng takot. Ganito ang nangyari sa nakatangga­p ng isang talento sa talinhaga sa ebanghelyo ngayon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines