Balita

Bagong remake ng ‘Meteor Garden’, mapapanood sa ABS-CBN

KILALANIN ANG BAGONG F4

-

NAKUHA ng ABS-CBN ang rights na ipalabas ang gagawing remake ng China sa phenomenal hit idol drama na Meteor Garden na minahal nang husto at tinangkili­k ng Pinoy fans at siyang nagsimula ng asianovela craze sa bansa. Sa press conference na ginawa noong Huwebes (Nov 9) sa Shanghai, China, pormal nang ipinakilal­a ang mga bagong miyembro ng F4 na sina Dylan Wang, 19, bilang Dao Ming Si; Darren Chen, 22, bilang Hua Ze Lei; Connor Leong, 23, bilang Mei Zuo; at Caesar Wu, 21, bilang Xi Men.

Ang baguhang aktres na si Shen Yue naman ang napili para gumanap bilang si Shan Cai.

Ayon sa orihinal na producer ng Meteor Garden na si Angie Chai, napili ang cast batay sa kani-kanilang mga personalid­ad na kahalintul­ad sa F4 ng Taiwan.

Hunyo pa lang ng taong ito ay puspusan na ang paghahanap ng producers sa cast at nagsagawa ng auditions sa mga prestihiyo­song unibersida­d sa Taipei, Hong Kong, Singapore, Los Angeles, at China. Mahigit 30,000 applicatio­ns at resumes ang natanggap nila mula sa mga nais mapabilang sa F4.

Nang tanungin kung ano ang inspirasyo­n sa likod ng panibagng produksiyo­n ng Meteor

Garden, ibinahagi ni Angie na tadhana ang nagdala sa kanya rito pagkaraan ang 15 taon. Ito na rin umano ang pagkakatao­n niya para tapusin ng tama ang kuwento na naayon sa orihinal na manga na Hana Yori Dango. Tampok sa Meteor Garden ang kwento ng simpleng si Shan Cai na makakabang­ga ang sikat at mayayamang kalalakiha­n sa school na kung tawagin ay Flower 4 o F4.

Sa ABSCBN unang napanood ang orihinal na Meteor Garden na pinagbidah­an ng Taiwanese actor na si Jerry Yan. Dito na nagsimula ang Meteor Garden fever sa Filipino fans.

Pagkaraan ng anim na taon, buhay na buhay pa rin ang pagmamahal ng mga Pilipino sa F4 dahil sa tagumpay ng Korean remake na Boys Over Flowers na ipinalabas din sa ABS- CBN. Sa naturang KBS-produced drama nailunsad sa internatio­nal stardom ang Korean actor na si Lee Min Ho na binansagan­g King of Asianovela­s sa bansa.

Mananatili­ng tahanan ng Meteor Garden sa Philippine television ang ABS- CBN sa pagpapalab­as nito ng Chinese version sa 2018.

 ??  ?? The New F4
The New F4

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines