Balita

Gigi Hadid, umurong sa Victoria’s Secret Fashion Show

-

UMURONG si Gigi Hadid sa upcoming Victoria’s Secret Fashion Show sa Shanghai, China. Nakatakda sanang samahan ng modelo ang kanyang nakababata­ng kapatid na si Bella Hadid , Victoria’s Secret regulars gaya nina Adriana Lima at Alessandra

Ambrosio gayundin ang nagbabalik na si Karlie

Kloss para sa taping ng lingerie catwalk spectacula­r sa susunod na linggo, ngunit ipinahayag nitong Huwebes na hindi na siya sisipot.

“I’m so bummed I won’t be able to make it to China this year,” tweet ng 22- year- old nitong Huwebes. “Love my VS family, and will be with all my girls in spirit!! Can’t wait to tune in with everyone to see the beautiful show I know it will be, and already can’t wait for next year!”

Hindi na nagbigay si Gigi ng paliwanag sa kanyang last-minute cancellati­on, ngunit kamakailan ay abala ang kanyang schedule sa unveiling ng kanyang bagong footwear collection para sa Stuart Weitzman at paglabas sa The Tonight Show ni Jimmy

Fallonnito­ng unang bahagi ng linggo. Gayunman, ipinalagay ng ilang social media users na ang hindi niya pagsama ay maaaring may kaugnayan sa natanggap na backlash sa isang Snapchat video na ipinaskil nitong Pebrero, kung saan tila kinukutya niya ang facial features ng mga Asian sa pagpapalii­t ng kanyang mga mata na ginaya ang isang cookie na may mukha ng Buddha.

Kasunod ng mga batikos, sa ipinapalag­ay ng mga tao na racist ang video sa mga Asian, humingi ng paumanhin si Gigi sa pamamagita­n ng Chinese social media website na Weibo, kapwa sa English at Mandarin, ngunit hindi sa kanyang mismong Twitter o Instagram pages.

“It hurts me to hurt anyone, and I want you all to know that it was never my intent to offend anyone through my actions and I sincerely apologise to those who were hurt or felt let down by me,” nakasaad sa post. “I have the utmost respect and love for the people of China and cherish the incredible memories I have made while visiting in the past.”

Unang kinumpirma ni Gigi na lalabas siya sa show sa pamamagita­n ng pagbahagi ng throwback video niya noong 2016 sa kanyang Instagram page nitong Agosto.

 ??  ?? Gigi
Gigi

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines