Balita

I don’t know why I was spared –Julia Roberts

‘DI NAKARANAS NG SEXUAL HARASSMENT

-

MADALAS magtaka si Julia Roberts kung bakit nakaligtas siya sa sexual harassment na napakatala­mak sa Hollywood, dahil wala siyang naging ganitong karanasan habang unti-unting sumisikat.

Batid ng bituin ng Pretty Woman ang mga istorya tungkol sa seedy side ng movie industry, ngunit inamin niya na walang producer o director ang kumilos nang hindi nararapat sa kanyang harapan – at ngayon ay napakarami­ng kasabayann­iya ang nagdedetal­ye ng mga nakakasukl­am na encounters sa Hollywood heavyweigh­ts gaya nina Harvey

Weinstein at James Toback, nakaramdan ng guilt ang Oscar winner.

“It’s all so ugly in so many ways,” sabi ni Julia sa U.S. breakfast show na Today kaugnay sa kontrobers­iya na bumabalot sa Hollywood.

“I’ve never had this experience,” patuloy niya. “I almost feel bad saying that because I don’t know why I was spared, and you hear some of these heartwrenc­hing, awful stories, and I have a daughter. It is heartbreak­ing, but it’s not been a part of my experience.”

Sa pakiwari ng 50-year-old mother, “Perhaps I was subtly approached and didn’t recognise it for what it was... I don’t know.” Ang mga pahayag ni Julia ay kasunod ng pagsalita ng mga bituin tulad nina Angelina Jolie, Ashley Judd, Gwyneth Paltrow, at Rose McGowan tungkol sa mga nakalipas nilang karanasan sa movie mogul Weinstein, na inaakusaha­n ng inappropri­ate behaviour, at sa kaso ni McGowan, ay rape.

 ??  ?? Julia
Julia

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines