TAMBULISLIS
Ika-83 labas
DAHIL hindi nilagyan ng piring ang mata ni Mang Daniel ng limang tauhan ni Don Andres Hamoria na kinabibilangan nina Harry, Dodong, Sendong, Rading at Rolan, nakasabay sa paglalakad ng grupo papunta sa bagong gawang koprahan. Agad siyang nakapasok at limang tauhan ng Don sa koprahan dahil walang pintuan ang kubakob na nakalaan sa pagproseso ng mga niyog para maging produktong kopra.
Dahil alam na ang pakay ng limang lalaking may suot nabonnet sa krimeng ginawa sa kaniya, hindi na nagtaka si Mang Daniel ng alisin ang tali sa kamay niya atpalitan ng kadena sa dalawa niyang paa. Batid niya ang dahilan kung bakit ito ginawa ng mga kidnapper, titiyaking hindi siya makakatakas mula sa kanilang pagkakabihag. Matapos maayos ang kadena sa paa, dinala si Mang Daniel ng grupo sa kuwartong nagsisilbing tulugan ng mga trabahador sa koprahan at ikinadado ang kadena sa isang haligi.
“Huwag kang magtatangkang tumakas, Mang Daniel,” babala ni Harry. “Hindi kami magdadalawang-isip na patayin ka!”
“Hindi ako marahas na tao at higit sa lahat, walang atraso, kaya labis akong nagtataka sa ginawa ninyong ito sa akin,” sagot ni Mang Daniel. “Wala akong makitang dahilan para mangyari ito sa akin!”
“Minsan, ganito talaga ang buhay sa mundo, Mang Daniel,” sagot ni Harry. “May minamalas kahit walang ginawang masama sa kapwa!”
“Wala kayong karapatang gawin ito sa akin. Nakikiusap ako, pakawalan ninyo ako, wala na akong pera, naipagawako na ng bahay-bakasyunan,” paliwanag ni Mang Daniel.
“Magsasayang lamang tayo ng laway kung pag-uusapan natin ang bagay na ‘yan. Matulog na kayo para bukas, mapag-isipan ninyo ng tamaang kondisyon at kapalit ng inyong kalayaan,” sagot ni Harry.
Hindi na sumagot at hindi na rin nagsalita si Mang Daniel, sa halip, pumunta sa papag na kawayang nasa gilid ng kuwartong tulugan ng mga magtratrabaho sa koprahan at inilatag ang banig na kalagimay. Dahil isinilang at lumaki sa ganitong sapin ng higaan, kahit may mabigat na problemang kinakaharap, agad siyang nakatulog sa hatak ng antok dahil sa nainom nilang alak na barikolkol ni Mang Edgardo. Dahil pinaghandaan nila ang pagdala kay Mang Daniel sa koprahan, pumunta sa kusina ng kubakob si Rading at nag-init ng tubig sa apoy ng uling na bao. Nang kumulo ang tubig, isinalin niya sa thermos at hinati sa limang tasa ang natira sa takure. Kumuharin siya ng limang sachet ng kape at ibinigay sa apat ng kasama. Naglabas din siya ng isang supot ng biscuit na kabilang sa mga imbak nilang pagkain.
“Tamang-tama ang lugar na napili ni Don Andres na pagdalhan
natin kay Mang Daniel,” wika ni Harry habang pinagmamasdan ang hawak na cellphone.
“Bakit?” Tanong ni Sendong.
“Malakas ang signal sa cellphone ko,” sagot ni Harry. “Ewan ko
kung malakas din sa ibang network!”
“Malakas din sa akin,” agot ni Rolan.
“Sa akin, halos mapuno rin ng signal,” wika ni Dodong.
“Wala ring problema sa cellphone ko,” paniniyak ni Rading.
Labis na nasiyahan si Harry sa sinabi ng mga kasamang tauhan ni Don Andres Hamoria dahil tiyak na hindi sila magkakaroon ng problema sa komunikasyon sa utak ng ginawa nilang mabigat na krimen. Natiyak niya ang bagay na ito dahil kahit magkaiba sila ng network, malakas ang signal sa kanilang cellphone. Nadagdagan angkasiyahan ni Harry ng makitang malakas din ang signal ang cellphone ni Mang Daniel na kinuha niya dahil mahalaga sa katuparan ng masamang balak ni Don Andres. At habang humihigop ng mainit na kape para labanan ang pagkalam ng sikmura at lamig ng paligid na pangkaraniwan sa lugar na nasa mataas na bahagi, patuloy sa pag-uusap sila Harry, Dodong, Sendong, Rading at Rolan sa ginawa nilang mabigat na krimen.
At hindi pa man nagaganap ang pangyayaring inaasam sa pagkidnap kay Mang Daniel, ipinagdiwang na nila ang tagumpay ng masamang balak ni Don Andres.
Itutuloy...