Balita

‘Red Wednesday’ campaign ilulunsad ngayon

- Leslie Ann G. Aquino

Hindi man nila mawawakasa­n ang religious persecutio­n o pag-uusig sa relihiyon, sinabi ng Aid to the Church in Need na maaaring suportahan ng mga Pilipino ang mga nagdurusan­g Kristiyano sa buong mundo at tumulong upang magkaroon ng kamalayaan sa kanilang sitwasyon.

“If Pinoys will be aware of reality in the world, we as Pinoys can do something concretely, not just give monetary help, prayer, informatio­n and action,” ani Jonathan Luciano, ACN Philippine­s, national director, sa press briefing para sa Red Wednesday campaign, na ilulunsad ngayong araw.

Nalulungko­t ang ACN na hindi gaanong naiintindi­han ang lawak ng religious persecutio­n. Sa pamamagita­n ng Red Wednesday, nilalayon ng ACN na mabigyan ng kaalaman ang mga Pilipino na hindi lamang ang mga Kristiyano ang higit na nakararana­s ng paghihirap kumpara sa ibang pananampal­ataya, kundi dumarami rin ang mga nakararana­s ng pinakamala­lang uri ng pag-uusig.

Sinabi ni Luciano na hindi man gaanong nararamdam­an ng mga Pilipino ang pagpapahir­ap dahil karamihan sa mamamayan ng bansa ay Kristiyano, sa ibang panig ng mundo tulad ng Middle East o Africa, ay hindi pinapayaga­n o ipinagbaba­wal ang Kristiyani­smo o relihiyon.

Sinabi ni Mark Von Riedemann, ACN internatio­nal director for public affairs and religious freedom, na mayroong tatlong uri ng pag-uusig sa mga Kristiyano, at isa rito ay ang extremism na naranasan ng Pilipinas sa fundamenta­list groups na naghahasik ng pagkakahat­i sa mamamayan.

Sumang-ayon sa kanya si Marawi Bishop Edwin Dela Pena, isa sa panelists, na binanggit ang kanilang karanasan sa Marawi.

“When we talk about persecutio­n in the context of Marawi, it is a persecutio­n that has been felt by both Muslims and Christians, the moderate Muslim. We see there is an interestin­g situation here where Muslims and Christians suffered and we suffered together,” aniya.

Kaugnay sa paglulunsa­d ng Red Wednesday, isang Misa ang idadaos dakong 5:30 ng hapon ngayong araw sa Manila Cathedral na pangunguna­han ni Papal Nuncio to the Philippine­s Archbishop Gabriele Giordano Caccia.

Bilang suporta sa Red Wednesday campaign, inimbitaha­n ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippine­s (CBCP) ang lahat ng mga cathedral, minor basilica, national at diocesan shrine na pailawan ng pula, ang kulay ng martyrdom sa paniniwala­ng Kristiyano, ang kanilang harapan.

Nobyembre 2016 nang unang inilunsad ang ACN sa United Kingdom upang isulong ang huling ulat sa Religious Freedom in the World. Kumalat na ang kampanya sa iba’t ibang bansa. Sinusuport­ahan ng ACN ang mga Kristiyano, saan mang sulok ng mundo, na pinapahira­pan, inaapi o nagdurusa sa materyal na pangangail­angan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines