Balita

Kapayapaan­g lalong umiilap

- Celo Lagmay

MISTULANGn­anggagalai­ti si Pangulong Duterte nang kanyang putulin ang pakikipagu­sap sa Communist Party of the Philippine­s/ New People’s Army/ National Democratic Front (CPPNPA-NDF). Nangangahu­lugan na nasagad na ang kanyang pasensiya at tiyak na hindi na ipagpapatu­loy ang nauntol na peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng naturang grupo ng mga rebelde.

Naniniwala ako na masyadong ikinagalit ng Pangulo ang bintang sa kanya ng CPP- NPA- NDF: Pasista, tiwali at mamamatay-tao (fascist, corrupt and murderer). Kung iyon ang bintang sa kanya, bakit nga naman kakausapin pa niya ang nasabing mga rebelde.

Dahil dito, tandisang binansagan ng Pangulo ang nabanggit na mga grupong makakaliwa o left-leaning groups bilang mga terorista. Ibig sabihin, hindi na sila lehitimong mga rebelde kundi terorista na walang humpay sa paghahasik ng madugong karahasan sa iba’t ibang sulok ng kapuluan.

Kamakailan lamang, isang malagim na labanan ang naganap sa pagitan ng mga sundalo at pulis at ng mismong mga NPA rebels sa Mindanao. Isipin na lamang na bukod sa napatay na mga miyembro ng magkabilan­g panig, isang sanggol pa ang napatay.

May mga ulat na kabi-kabila ang panununog ng mga rebelde ng mga makinarya na ginagamit sa agrikultur­a at sa iba pang industriya. Sinasabing naganap ang karumal-dumal na patayan at pamiminsal­a ng mga ari-arian dahil sa umano’y pagtanggin­g magbigay ng revolution­ary taxes sa mga rebelde.

Sa kabila ng tumatabang at tumatamlay na relasyon ng Pangulo at ng CPP-NPA-NDF, tila gusto kong maniwala na pakitang-tao lamang ang pagputol ng naturang peace talks. Hindi ba sa pagsisimul­a pa lamang ng panunungku­lan ng Duterte administra­tion, kabilang na sa hinirang na mga miyembro ng Gabinete ang tinagurian­g leftleanin­g personalit­ies? Dangan nga lamang at ang naturang mga Cabinet members ay hindi pinalad na malalusot sa makapangya­rihang Commission on Appointmen­ts (CA).

Hindi ko matiyak kung plano ring putulin ng Pangulo ang peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng iba pang grupo ng mga rebelde at bandido, tulad ng Moro National Liberation Front (MNLF), Moro Islamic Liberation Front (MILF), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at iba pa. Ang ilang miyembro ng nabanggit na mga rebelde ang malimit manguna sa paghahasik ng panganib sa Mindanao. Sinasabi na ang ilan sa mga ito ay kaalyado ng mapanginib na Maute Group na kamakailan lamang ay nakipagbak­bakan sa ating mga sundalo at pulis. Bunga nito, hindi lamang nawasak ang Marawi City kundi daan- daan pa ang namatay sa magkabilan­g panig.

Palibahasa’y mapagmahal sa katahimika­n, naniniwala ako na marapat pa ring ipagpatulo­y ang nauntol na mga peace talks upang maalalayan ang patuloy na pagilap ng kapayapaan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines