Balita

2 Mac 7:1, 20-31 ● Slm 17 ● Lc 19:11-28

-

Malapit na si Jesus sa Jerusalem at akala ng mga taong kasama niya’y agad na ipakikita ang Kaharian ng Diyos. Kaya sa kanilang pakikinig ay isa pang talinhaga ang inilahad ni Jesus sa kanila. Sinabi niya: “May isang maharlikan­g tao na pumunta sa malayong lupain para mahirang na hari at saka siya babalik. Tinawag niya ang sampu niyang katulong at binigyan sila ng tig- iisang baryang ginto at sinabi sa kanila: ‘Ipagnegosy­o n’yo ito hanggang sa aking pagbalik.’…

“Gayon pa ma’y bumalik siya pagkahiran­g bilang hari. Ipinatawag niya ang mga katulong na binigyan niya ng baryang ginto para malaman kung magkano ang tinubo ng bawat isa. Humarap ang una at sinabi: ‘Panginoon, tumubo ng sampu pa ang barya mong ginto.’

“Sumagot siya: ‘ Magaling, mabuting utusan; dahil naging matapat ka sa maliit na bagay, mapamamaha­la kita sa sampung lunsod.’…

“Dumating ang isa pa at sinabi: ‘ Panginoon, narito ang iyong baryang ginto. Binalot ko ito sa isang panyo at itinago. Natatakot ako sa iyo dahil mapaghanap kang tao, kinukuha mo ang hindi mo idineposit­o at inaani ang hindi mo inihasik.’

Pagkasabi nito, umuna si Jesus sa kanila pa-Jerusalem. PAGSASADIW­A:

Bibigyan ang meron pero aalisan ang wala.— Mahirap unawain ang pahayag ng ebanghelyo. Tila hindi makatarung­an na ang meron ay bibigyan pa at ang wala naman ay aalisan pa. Upang ito ay maunawaan, kailangang balikan ang karaniwang karanasan.

Kapag iyong nilinang ang isang bagay, ito ay uunlad. Ang hindi mo ginagamit ay malilimuta­n at maglalaho. Totoo ito sa komersyo o kalakal. Kapag kakaunti ang puhunan, maliit lamang ang pakinabang. Ganoon din sa talento at kakayahan. Walang pagsubok, wala ring tagumpay. May prinsipyo sa paggamit ng talento: “The more you enhance, the more you advance.” Ganito rin sa paggamit sa mga espiritwal na kaloob ng Diyos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines