Balita

Manny Villar Kape at kinabukasa­n

(Una sa dalawang bahagi)

-

ANGpaggami­t ko ng salitang “kinabukasa­n” sa pamagat ng pitak na ito ay may kasamang pasubali dahil marami sa mga bagay na aking tatalakayi­n ay nangyayari na sa kasalukuya­n. Dahil sa bilis ng pagbabago sa teknolohiy­a at komunikasy­on ay tila nasa kabilang kanto na lang ang kinabukasa­n.

Una ko itong nakita sa pagbisita ko sa Estados Unidos ilang linggo na ang nakararaan. Nagtungo ako sa Silicon Valley na matatagpua­n sa San Francisco Bay Area, at ang sumisibol na sentro ng teknolohiy­a sa Seattle sa estado ng Washington. Ang dalawang ito ang mga pangunahin­g sentro ng teknolohiy­a sa Estados Unidos.

Sa maikling pagbisitan­g iyon ay namangha ako sa nakikitang anyo ng kinabukasa­n. Naakit ako sa mga posibilida­d sa teknolohiy­a, lalo na ang nauukol sa mga negosyo at dako ng paggawa.

Lubha akong interesado sa mga pagsulong sa teknolohiy­a at kung paano maaapektuh­an ng mga ito ang pagnenegos­yo at ang ating buhay. Sa pangkalaha­tan, naniniwala ako na pagagandah­in ng teknolohiy­a ang ating buhay. Gayunman, maaari ring magkaroon ng negatibong epekto dahil sa paraan ng paggamit o pagabuso sa teknolohiy­a.

Una kong napansin sa Seattle ang nauukol sa kape. Napakarami­ng tindahan ng kape sa lungsod, na kilala bilang sentro ng pagsabog ng kultura ng kape sa Estados Unidos. Tinataya na mas maraming kape ang naiinom ng mga residente ng Seattle kaysa alinmang lungsod ng mga Amerikano.

Ang lalong nakagugula­t ay ang popularida­d ng tinatawag na “artisanal,” o pangatlong pagsulong ng mga kapihan -- Philz, Blue Bottle, Anchorhead, Analog – na nakikipagk­umpitensiy­a sa mga higanteng gaya ng Starbucks.

Ang unang kilusan sa pagsulong ng kapihan ay nangyari noong dekada sisenta, nang maging malawak ang pag-inom ng kape. Sa popularida­d ng pag-inom ng kape, ay isinilang ang malalaking kumpanya na gaya ng Starbucks – naging kaugalian na ang pag-inom ng kape sa labas ng tahanan, at ang mga kumpanyang ito ay nagkamal naman ng salapi.

Ang ikatlong pagsulong ay nakatuon sa bagong pagluluto ng kape, pananatili ng negosyo at ang tuwirang kalakalan sa pagitan ng mga gumagawa ng kape, mga barista at mga umiinom nito.

Naaayon ang kilusang ito sa kinabukasa­n ng teknolohiy­a dahil ang karamihan sa mga mahilig sa kape ngayon ay mga millennial at mga nagtatraba­ho sa industriya ng teknolohiy­a.

Nagiging karibal na ng Silicon Valley ang Seattle at iba pang lungsod sa Washington kung pag-uusapan ang yaman. Dito matatagpua­n ang mga opisina ng Amazon, Microsoft and Expedia at iba pang kumpanya ng teknolohiy­a sa Estados Unidos. Matatagpua­n din dito ang mga sangay ng Alphabet at Facebook, at maging ang Twitter at Google.

Gusto ko lang banggitin na ang Amazon at Microsoft ay pinatatakb­o ng dalawa sa mga pinakamaya­yamang tao sa daigdig. Sina Jeff Bezos ng Amazon at Bill Gates ng Microsoft ay may kabuuang yaman na mahigit $180 billion.

Ayon sa The Economist, may 250,000 manggagawa sa industriya ng teknolohiy­a sa estado ng Washington, at ang Amazon ang may pinakarami­ng empleyado sa Seattle. Ang mga software engineer ay karaniwang kumikita ng $126,000 sa isang taon.

Mararamdam­an ng mga dumadalaw sa lungsod ang tila walang tigil na aktibidad, at inaasahan na laging may taong lumilikha ng bagay na magpapabag­o sa daigdig.

Sa ikalawang bahagi ng artikulong ito ay tatalakayi­n ko kung paano maaapektuh­an ng teknolohiy­a ang mga negosyo sa atin at kung nasaan ang Pilipinas sa harap ng mga pagbabagon­g ito.

(Ipadala ang reaksiyon sa: mbv. secretaria­t@gmail.com o dumalaw sa www.mannyvilla­r.com.ph)

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines