Corminal, kumpiyansa sa ONE FC
HINDI man masyadong maingay ang pangalan ni Pinoy Richard “Notorious” Corminal, kumpiyansa siyang makakalikha ng ingay sa kanyang pagsabak sa ONE:Immortal Pursuit sa Biyernes sa Singapore Indoor Stadium.
Haharapin ni Corminal ang liyamadong si French veteran Arnaud sa undercar ng ONE fight card.
Tangan ang 4-2 marka, lahat pawang nakuha sa knockout, naibigay sa Pinoy fighter ang bansag na “Notorious,” na inaasahan niyang makapagbibigay nang dating sa kanyang pangalan.
“I have watched his fights, He is good. Tough. I am just going to do my thing. I want to finish my fights standing,” pahayag ng 30anyos na si Corminal.
“Sometimes when I have an opponent on the ground, I can beat them up. But I prefer to finish a fight standing.”
Halos dalawang taong hindi lumaban si Pepont kung kaya’y ang laban kontra Corminal ang makapagpapatunay kung kinalawang ang diskarte ng French fighter.
Sa kabila ng pahinga, nanatiling handa ang pangangatawan ni Lepont bunsod ng pagtuturo sa mga promising fighter sa Vietnam.
Hawak ng 37-anyos na Frenchman ang 11-5 karta.
“He is a more experienced fighter than I am. I know what he is capable of doing inside the cage,” sambit ni Corminal.
“I will do my best. I’ve worked hard just to make it here in ONE Championship. I won’t waste this opportunity.”
“I take pride on being an exciting competitor inside the cage, willing to please the crowd by always seeking the highlight-reel finish. In my second ONE Championship match, fans are in for a treat,” aniya.