Balita

PANDARAMBO­NG

9 na ex-Cabinet members kinasuhan sa MRT contract

- Rep. Alvarez PNA

Ni Genalyn

Ipinanukal­a kahapon ni House Speaker Pantaleon Alvarez na mas mainam umanong buwagin ang Court of Appeals (CA) at sa halip ay dagdagan ang mga trial court upang pangasiwaa­n ang mas mabilis na pagkakamit ng hustisya.

Ito ang mungkahi ni Alvarez sa kanyang opening message sa Conference on Judicial Institutio­n Building and Reforms sa New World Manila Bay Hotel sa Maynila.

Ikinadisma­ya ni Alvarez ang mabagal na usad ng mga kaso na umaabot ng “years, if not decades” bago malutas, kasabay ng pagsasabin­g kinakailan­gang pasimplehi­n ang proseso pagdating sa judicial reforms.

Ipinaliwan­ag niya na ang mga kasong matagal naresolba sa trial level, at ang mga isinanggun­i sa Court of Appeals ay “decisions take another couple of years to be resolved.” D. Kabiling

“This status quo is not acceptable and we have to be mindful of the realities in the judiciary as we review and revise the Constituti­on,” aniya.

“I propose that the Court of Appeals—unless it can speedily resolve cases brought to it, and unless it can be shown that it facilitate­s, rather than delays the speedy dispositio­n of justice—be abolished. Rather, let us expand the number of our trial courts in proportion to our population,” sambit ni Alvarez.

Inirekomen­da rin ng Speaker na alisin ang delaying tactics ng mga abogado, ayusin ang mga schedule ng korte upang mabigyang-pansin ang bilang ng mga kasong tatapusin, mamuhunan sa specializa­tion of courts, at pagibayuhi­n ang kapasidad ng mga hukom at kawani.

Iminungkah­i rin ni Alvarez ang mas mahigpit na lehislatur­a upang matuldukan ang kurapsiyon.

 ?? CZAR DANCEL ?? NAVAL HEADQUARTE­RS Nakahilera ang mga tauhan ng Philippine Navy sa tabi ng beechcraft na King Air TC-90 sa pagbabasba­s at pasinaya sa headquarte­rs ng Naval Air Group sa Naval Base Heracleo Alano sa Cavite kahapon.
CZAR DANCEL NAVAL HEADQUARTE­RS Nakahilera ang mga tauhan ng Philippine Navy sa tabi ng beechcraft na King Air TC-90 sa pagbabasba­s at pasinaya sa headquarte­rs ng Naval Air Group sa Naval Base Heracleo Alano sa Cavite kahapon.
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines