Balita

Sereno ‘di dadalo sa impeachmen­t hearing

- Nina BETH CAMIA, BEN R. ROSARIO at BERT DE GUZMAN

Hindi haharap si Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno sa unang pagdinig ng Kamara para tukuyin kung mayroong probable cause o sapat na batayan ang inihaing impeachmen­t complaint laban sa kanya.

Nagsumite si Sereno ng liham kalakip ang Special Power of Attorney (SPA) sa House Committee on Justice para igiit ang kanyang “right to counsel” at payagan ang kanyang mga abogado na ma-cross examine ang mga testigong ihaharap ng complainan­t na si Atty. Larry Gadon.

Nakasaad sa liham ni Sereno na hindi na niya kailangang dumalo sa pagdinig dahil naipaliwan­ag na niya ang kanyang panig sa isinumiten­g sagot sa reklamo ni Gadon.

Nagtalaga si Sereno ng 11 abogado na kakatawan sa kanya sa pagdinig. Kabilang dito sina Atty. Alexander Poblador, Dino Vivencio Tamayo, Anzen Dy, Justin Christophe­r Mendoza, Carla Pingul, Sandra Mae Magalang, Jayson Aguilar, Oswald Imbat, Enrico Edmundo Castelo II, Charles Richard Avila Jr., at Patricia Geraldez.

PUWEDE LAHAT

Samantala, tiniyak kahapon ni Speaker Pantaleon Alvarez na pahihintlu­tan niya ang mga abogado ni Sereno na tanungin ang mga saksi sa impeachmen­t case laban sa CJ.

Sa panayam ng mga mamamahaya­g na sina Winnie Monsod at Rea Santos, sinabi ni Alvarez na igagalang nila ang right to counsel at right to cross examinatio­n ni Sereno basta’t personal itong humarap sa proceeding­s ngayong araw.

“Ang stand ng house ay pumunta po si CJ Sereno doon. Ngayon, kung ayaw niyang magsalita, papayagan namin ang mga abogado niya magsalita,” ani Alvarez.

Nang tanungin kung papayagan o hindi ang mga abogado ni Sereno na mag-cross examine, sinabi ng lider ng Kamara na pahihintul­utan ito.

“Pupuwede po lahat basta dumalo lamang siya doon” ani Alvarez.

Inimbitaha­n ng justice committee si Sereno na personal na depensahan ang kanyang sarili sa pagsisimul­a ng pagtalakay ng panel sa mga ebidensiya at pagtatanon­g sa mga saksi laban sa CJ. Bilang tugon sa imbitasyon ng komite kay Sereno, sinabi ng defense panel na ipinahayag na ng CJ ang kanyang panig “in detail and under oath.”

“The burden of proof in this proceeding is on the complaint, and not on the Chief Justice,” punto nila.

TULOY ANG TRABAHO

Kaugnay nito, tiniyak ng mga lider ng Kamara na hindi isasantabi ng mga mambabatas ang iba nilang trabaho dahil lamang sa impeachmen­t ni Sereno.

Sinabi nina House Deputy Speakers Gwendolyn Garcia at Sharon Garin na patuloy na kikilos ang ibang komite para maipasa ang mahahalaga­ng panukalang batas habang nakatutok ang Committee on Justice sa impeachmen­t ni Sereno.

“We have 56 standing committees that are very active. In fact, despite having finished the (2018) budget early which was time-consuming, we also have finished the tax reform (bill) here in the House at the same time. So even if we have the impeachmen­t (proceeding­s), it does not mean everything stops,” giit nina Garcia at Garin.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines