Balita

Negosyante­ng engineer tinambanga­n ng tandem

- Mary Ann Santiago

Posible umanong may kinalaman sa negosyo ang pagpatay sa isang mechanical engineer, na tinambanga­n ng riding-in-tandem habang sakay sa kanyang sports utility vehicle (SUV) sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center si Reynaldo Macapanas, 49, ng Block 50, Lot 5, Grand Oakridge Antel Village, Bacao, General Trias, Cavite. Siya ay nagtamo ng mga bala sa ulo at itaas na bahagi ng katawan, habang inaalam pa ng awtoridad ang pagkakakil­anlan ng mga suspek na mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Sa ulat ni PO3 Aldeen Legaspi, ng Manila Police District-Crimes Against Persons Investigat­ion Section (MPDCAPIS), naganap ang insidente sa likod ng Delpan Sports Complex, sa Delpan Street, sa Binondo, dakong 7:00 ng gabi.

Sakay ang biktima sa kanyang itim na Isuzu MU-X (CR 5165) at binabagtas ang Delpan Street nang abangan ng mga suspek at pinagbabar­il bago humarurot palayo.

Ayon kay PO1 Rey Orejas, pauwi na siya nang lapitan siya ng isang residente at nagpasaklo­lo hinggil sa insidente.

Sa kanyang pagrespond­e, dinatnan pa umano ni PO1 Orejas na buhay ang biktima kaya isinugod sa ospital ngunit hindi na ito umabot, dakong 7:10 ng gabi.

Ayon sa kaibigan ng biktima, si Evelyn, bago ang krimen ay bibisitahi­n sana siya ni Macapanas sa kanyang bahay upang pag-usapan ang isang business proposal.

Naniniwala naman ang maybahay ng biktima, si Nenita, na posibleng may kinalaman sa mga business contract bidding deal ang pagkamatay ni Macapanas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines