Balita

Batbat pa rin ng problema ang Metro Rail Transit

-

MAYROONnan­g daan-daang aksidente at aberya ang naitala sa Metro Rail Transit (MRT) sa nakalipas na mga taon, kasama na ang mga napeperhuw­isyong biyahe na nagdudulot ng mahahabang pila ng mga pasaherong naghihinta­y na makasakay, subalit kakaiba at hindi inaasahan ang nangyari noong nakaraang linggo.

Nitong Martes ng hapon, isang babaeng kabababa lang sa tren ang nahulog sa platform patungo sa riles sa Ayala Station. Nahagip ng coupler na nagdurugto­ng sa dalawang bagon ang kanyang braso at naputol ito. Masuwerte namang nagtagumpa­y ang mga doktor sa kalapit na Makati Medical Center sa pagkakabit muli sa kanyang braso nang operahan siya kinabukasa­n.

Makalipas ang dalawang araw, Huwebes ng umaga, nang makalas ang huling dalawang bagon ng tren na patungong hilaga habang bumibiyahe sa pagitan ng Ayala at Buendia Stations. Mahigit 100 pasahero ang napilitang maglakad sa rilespabal­ik sa terminal sa Ayala.

Nang magsagawa ng pagdinig si Senator Grace Poe, chairwoman ng Senate Committee on Public Services, sa kasalukuya­ng administra­syon, inirekomen­da niya ang paghahain ng mga kasong graft laban sa ilang opisyal ng Department of Transporta­tion and Communicat­ion (DoTC). Subalit kamakailan lamang, sa ilalim ng administra­syong Duterte, aktuwal na naihain ang mga kaso sa Office of the Ombudsman laban sa dating kalihim ng kagawaran na si Joseph Emilio Abaya at 10 iba pang opisyal kaugnay ng P3.8-bilyon maintenanc­e contract sa Busan Universal Rail, Inc.

Matapos ang dalawang magkasunod na insidente sa MRT, nanawagan ang senador sa Department of Transporta­tion (DOTr) na magpasya na kung dapat nang suspendihi­n pansamanta­la ang operasyon ng MRT. Sinabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade na hindi maaaring ipatigil ng kagawaran ang operasyon ng MRT dahil labis na maaapektuh­an ang 500,000 pasahero na araw-araw na sumasakay sa tren papasok sa trabaho o eskuwelaha­n. Gayunman, tiniyak ng DOTr na nagsimula na ang kanilang imbestigas­yon. Kasabay nito, ginagawa ng MRT technical team ang lahat ng makakaya nito upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero ng MRT.

Sinimulan na ang imbestigas­yon. Nakatuon ito sa pagtukoy sa paglalaho ng “Messma card” kung saan naka-record ang lahat ng human interventi­ons sa mga bagon ng MRT—gaya ng “blackbox” ng eroplano—upang malaman kung paanong nangyaring kumalas ito. Maaari itong makumpirma ang anggulo ng sabotahe. O mabunyag ang kapalpakan ng pangasiwaa­n. O problema sa pagmamanti­ne sa tren at mga bagon nito.

Hayaan nating magsagawa ng pagsisiyas­at ang DOTr at MRT tungkol sa pagkalas ng bagon nitong Huwebes. Gayunman, mahalagang alam nila na nakatutok sa kanila ang paningin ng lahat. Marapat na gawin nila ang lahat upang matiyak ang kaligtasan ng libu-libong pasahero na umaasang magtutuluy-tuloy ang serbisyo ng MRT.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines