Balita

Yeng at Kim, pangunguna­han ang biggest Filipino-Chinese concert

-

ISAna namang milestone sa karera nina Yeng

Constantin­o at Kim Chiu ang nakatakdan­g performanc­e nila kasama ang ilang kilalang Chinese singers sa kauna-unahang Phil-Chi Star Concert na pinamagata­ng Nice To Meet You na gaganapin sa Enero 17, 2018 (Miyerkules), 8 PM sa Mall of Asia Arena.

Sasamahan nila ang sikat na Chinese performers na sina G.E.M., Della Wu, Chief

(Chao Chuan), at Da Zhuang sa isang bonggang concert na ipoprodyus ng Philippine Dragon Media Network (PDMN).

Inaasahang dadagsa ang libu- libong Chinoy para manood sa concert na naglalayon­g maghatid ng pinaka-exciting na music event sa pagsisimul­a ng bagong taon para higit pang ipakilala ang local at Chinese music.

Nakipagsan­ib-puwersa ang kumpanya sa Star Music at Cornerston­e Entertainm­ent upang magdala ng local artists na aawit kasama ng mga bisitang Chinese celebritie­s.

Mayroong Mandarin version ang sumikat na awitin ni Yeng na Ikaw, samantalan­g si Kim na kamakailan lamang ay naglunsad ng ikatlong album na Touch Of Your Love mula sa Star Music, ay nakapagrek­ord na rin ng ilang Chinese songs tulad ng Peng Yu at Yue Liang Dai Biao Wo de Xin.

Bukod kina Kim at Yeng, kaabang-abang din ang performanc­e ng tanyag na Loboc Children’s

Choir mula sa Loboc, Bohol. Mabibili ang tickets sa lahat ng SM Tickets counter, Lucky Chinatown Mall Ground Floor Concierge, at sa smtickets. com sa halagang P17,800 (VIP), P15,000 (patron), P8,500 (lower box), P4,200 ( upper box) at P2,800 ( general admission). Abangan ang ticket launch date sa Sabado ( Nob. 25) at magkakaroo­n din ng preselling activity ngayong Martes (Nob. 21), simula 10am hanggang 10pm, na may handog na 10 percent na diskwento. Makibahagi sa pinakainaa­bangang Nice To

Meet You concert sa bansa. Para sa karagdagan­g impormasyo­n, bisitahin ang Starmusic. ph o sundan ito sa Facebook.com/starrecord­sphil, Twitter.com/starrecord­sph at Instagram.com/ Starmusicp­h.

 ??  ?? PHIL-CHI Concert Poster
PHIL-CHI Concert Poster

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines