Balita

‘Wansapanat­aym’ nina Elmo at Janella, wagi sa ratings

- –Reggee Bonoan

NALUNGKOT ang ElNella supporters nang hindi palaring makapasok ang pelikulang My Fairy Tail sa 2018 Metro Manila Film Festival. Excited pa naman ang fans nina Elmo Magalona at Janella Salvador na muli silang mapanood sa big screen lalo na’t walang regular teleserye ang dalawa ngayon sa ABS-CBN. Mabuti na lang at mabilis ang Dreamscape Entertainm­ent dahil ang ElNella ang featured artists sa Wansapanat­aym Presents Jasmin’s Flower Powers.

Sa unang episode pa lang nina Elmo at Janella noong Nobyembre 12, nakakuha agad sila ng 29.4% kumpara sa 19.4% ng Daig Kayo ng Lola Ko, base sa datos ng Kantar Media.

Sa ikalawang episode noong Nobyembre 19, muling nanalo sa ratings game ang ElNella 31.2% laban sa katapat nito na nakakuha naman ng 19.4%.

Base sa umereng episode ng Wansapanat­aym Presents Jasmin’s

Flower Powers, mapait ang simula ng love story ng mga karakter nina Janella at Elmo na sina Jasmin at Thor dahil sa pagtutol ng ina ng huli, kaya kailangang hiwalayan siya ng binata na hindi sinabi ang tunay na dahilan.

Sa kabila ng masakit na nakaraan, pilit na aayusin ni Jasmin ang pakikitung­o niya kay Thor ngayong nagtatraba­ho na siya sa kumpanya nito. Pero hindi magiging madali ang lahat dahil pilit siyang sasaktan ng binata sa pamamagita­n ng pagpapakil­ala ng bago nitong nobya.

Magkaayos pa nga kaya sina Jasmin at Thor? Oras na nga ba para kalimutan ang kanilang nakaraan?

Huwag palampasin ang kwentong kapupuluta­n ng aral sa Wansapanta­ym Presents Jasmin’s Flower Power ngayong Linggo, Nobyembre 26 sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines