Balita

Toni at Alex, nagbukinga­n sa show ni Luis

- Ni REGGEE BONOAN

NAGMIMISTU­LANG talk show ang I Can See

Your Voice ni Luis Manzano na karamihan ng guest singers ay nabubuking ang nakaraan, tulad nitong Sabado na si Toni Gonzaga ang humula sa See-nger.

Waiter kasi ang isa sa contestant­s at siyempre kanya- kanyang opinyon ang Sing- vestigator­s, tulad ni Alex Gonzaga na naniniwala­ng ito ang singer.

Nagtanong si Toni kung paano ito nasabi ni Alex at ang diretsong sabi ng dalaga, “Si Sam Milby, di ba, waiter siya before?”

“Paano mo naman nalaman, nagresearc­h ka?” tanong uli ni Toni.

“Hindi, kasi ex (boyfriend) ko siya, eh,” na ikinatawa ng lahat.

Ang tanging naisagot na lang ni Toni, “Ay, oo nga, nakalimuta­n ko na.”

Sabay pambubukin­g ni Luis, “Nakalimuta­n mo na? Di ba nga kaya hindi mo ako sinagot kasi siya ang gusto mo? Alam n’yo (audience) po ba, tumawag sa akin si Toni ng alas tres ng madaling araw, umiiyak at humihingi ng payo.” Hayun, pinipigila­n si Luis ng TV host/actress. “Imagine, Toni, ang sakit-sakit, nanliligaw ako sa ‘yo ‘tapos ako hihingan mo ng payo tungkol sa kanya (Sam)?”

“Eh, kasi nga kaibigan kita, eh,” hirit ni Toni, “‘kita mo naman, ang saya- saya mo ngayon sa love life mo?”

“Oo naman, pero hindi ko makakalimu­tan ‘yun Toni, sobrang sakit ng ginawa mo sa akin,” pangunguli­t ni Luis.

Imagine, Bossing DMB, kung kailan may asawa’t anak na si Toni ay saka pa lang lumabas na naging boyfriend niya si Sam Milby. Hindi kasi nila ito inamin. Nabuking din sa I Can See Your

Voice ni Bayani Agbayani sina Alex at Kean Cirpriano, nang tanungin ng una kung bakit hindi sila nagkatuluy­an.

“Eh, kasi ayaw niya ( Toni) kay Kean!” biglang hirit ni Alex habang nakatingin lang ang mister ni Chynna Ortaleza.

Paliwanag ni Toni, “Eh, kasi naniniwala ako na mas bagay si Kean kay Chynna. O, di ba, Kean mas okay kayo ni Chynna?”

Tumango naman ang isa sa Singvestig­ators.

Sa wakas, nakuha na rin ang sagot kung ano talaga ang naging relasyon nina Alex at Kean.

In fairness, ha? Nakakakuha kami ng pang-deadline sa ICSYV bukod pa sa enjoy kaming panoorin ito dahil sa mga palpak na hula ng guest singers dahil na rin sa nakalilito­ng komento ng sing-vestigator­s.

 ??  ?? Luis, Toni at Alex
Luis, Toni at Alex

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines