Balita

Pulis, sumugod sa bahay ni Tyrese Gibson

-

PINUNTAHAN

ng Los Angeles police si Tyrese

Gibson, Lunes ng umaga, nang mag- post siya ng nakakabaha­lang video online, na makikitang may lalaking tumalon at sinakal sa upuan.

Makikita sa video ang komedyante­ng si Michael

Blackson na underwear lamang ang suot, na tila nahihirapa­n at lumalabas na siya ay isang hostage, kaya tumawag ng pulis ang ilang fans, sa pangamba na baka may ginawa nang iba ang

The Fate of the Furious star. Marami ang nag-akala na gumaganti si Tyrese sa viral video na ibinahagi ng funnyman sa social media, na ginagaya ang breakdown ni Tyrese kamakailan, tungkol sa kanyang sampung taong gulang na anak na si Shayla, na ipinost nito sa Instagram.

“See the problem is, s**t is funny till it ain’t funny no more (sic), right?” saad ng aktor kay Blackson sa video nang dumaan ito sa harap ng upuan, habang naninigari­lyo.

Habang ginagaya ang komedyante, sinabi niyang, “’ What’s up my n** ga? What the f**k my n**ga?’ Say something funny now, n**ga.”

“Where’s the Instagram videos now?,” dagdag pa ni Tyrese habang tinatakot nito si Blackson. “So you catch a n**ga going through some personal s**t with my daughter. At what point was you gon’ say, ‘I’m doing too much’? How you gon’ be on my back on some funny s**t, while I’m in the middle of a tragedy? You think that s** t funny, n** ga (sic)?”

Pagkatapos ay sinabuyan ng aktor ng baby oil si Blackson, bago nito tinakot ang huli na ipapakagat sa kanyang aso.

“Now, I just need to know a couple things: will you ever put up another video about my daughter?,” tanong niya, habang iiling-iling si Blackson. “I don’t believe you... My dog will f**k your a** up.”

Inihayag ni Tyrese sa video, na binura na, ang fake website na “F**kMichaelBl­ackson.com”.

Ayon sa TMZ.com, sumugod ang mga pulis sa bahay ni Tyrese upang mag-imbestiga sa pinagdudah­ang hostage situation, saka nalaman na biro lamang ang ginawa ng dalawa sa video, upang lokohin ang publiko.

Hindi pa nagkokomen­to si Tyrese tungkol sa pagdating ng mga pulis, na naganap tatlong araw matapos siyang garantiyah­an ng joint custody kay Shayla simula sa 2018, kasunod ng mga alegasyon ng pang-aabuso ng kanyang dating asawa na si Norma Gibson.

Ibinahagi niya ang balita sa pamamagita­n ng mahabang post sa Instagram, at pinasalama­tan ang kanyang mga mahal sa buhay, na sumuporta sa kanya.

“Today is the first day of the rest of my life with MY FAMILY, my FRIENDS, my fans and supporters and my business associates and of course my immediate TEAM,” aniya. “God bless you..... broken but I will heal from this”.

 ??  ?? Tyrese
Tyrese

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines