Balita

Ika-86 na labas

-

SAMANTALA,

dahil patuloy na umiikot sa barangay Bayan-bayan ang iba’t-ibang nilikha mula sa daigdig ng kababalagh­ang kabilang ang tambulisli­s, hindi nakaligtas kay Malut ang krimeng nangyari sa bahay- bakasyunan. Hindi lang nalaman ng nilikha ang naganap kung hindi nakita ang pangyayari dahil madalas silang pumunta sa bagong gawang bahay-bakasyunan para magusyo at maghanap ng pagkakatao­ng mabiro sa pamamagita­n ng pagkiliti sila Mang Edgardo at Mang Daniel. At dahil sa taglay na kapangyari­han ng mga nilikha, nalaman at nakilala ng mga tambulisli­s ang apat na lalaking pumasok sa bahay-bakasyunan at dumukot kay Mang Daniel. Dahil malapit ang loob ni Malut kay Mang Edgardo kahit madalas biruin, nagkaroon ang nilikha ng interes na makialam sa nangyayari sa mundo ng tao.

“Tiyak, may masamang mangyayari sa matalik na kaibigan ni Mang Edgardo kung hindi niya maililigta­s sa mga dumukot,” wika ni Malut sa mga kasamahang nilikhang tambulisli­s.

“Tiyak na gano’n ang mangyayari, Malut,” sagot ni Turiray. “Basang-basa ko sa mukha ng mga dumukot kay Mang Daniel na may masama silang gagawin kapag hindi naganap angkanilan­g balak!”

“Anong gagawin natin?” Tanong ni Bulinggit. “Hindi natin likas nagawain ang makialam sa nangyayari sa mundo ng tao!”

“Tama ka,” sagot ni Malut. “Ngunit wala ring nagbabawal sa ating gawin ang bagay na ito!”

“Anong balak mo?” Tanong ni Oryung.

“Balak kong tulungan si Mang Edgardo sa pagpapalay­a kay Mang Daniel,” sagot ni Malut. “Tiyak sa tulong ng ating kapangyari­han, makakalaya sa mga taong dumukot ang kaniyang kababata, kumpare at matalik na kaibigan!”

“Payag ako sa gustong mangyari ni Malut,” wika ni Bulinggit. “Ngunit tutulungan natin si Mang Edgardo sa pagpapalay­a kay Mang Daniel sa isang kondisyon!”

“Anong kondisyon?” Tanong ni Oryung.

“Palihim ang gagawin nating pagtulong. Hindi direkta tulad ng ginagawa ng mga tao kapag nasa panganib ang kanilang kaibigan, mahal sa buhay o kapuwa,” paliwanag ni Bulinggit.

“’Yan din ang paraang naglalaro sa isip ko,” sagot ni Malut. “At isa pa, hahayaan din nating si Mang Edgardo ang kumilos para mailigtas si Mang Daniel!”

“Ngunit may isa pa tayong problema, Malut,” wika ni Turiray. “Hindi natin sinundan ang sasakyan ng mga dumukot kay Mang Daniel kung saan pupunta!”

“Sige hanapin natin si Mang Daniel at grupo ng mga lalaking may

takip sa mukha. Tiyak, narito lamang sila sa nasasakupa­n ngbarangay

Bayan-bayan,” paliwanag ni Bulinggit.

Matapos ang saglit pang pag-uusap, naghiwa-hiwalay ang mga

Nilikhang tambulisli­s na pinamumunu­an ni Malut para hanapin si Mang Daniel at mga lalaking dumukot sa kaniya sa bahay-bakasyunan. Dahil sa kapangyari­hang magpalutan­g-lutang ng mga tambulisli­s sa ere at sumabay sa hangin para mabilis ang paglalakba­y, nakarating ang isang tambulisli­s sa burol ng Mahantik. At sa paggalugad sa mataas nalugar na natatanima­n ng mga punong niyog, hindi nakaligtas sa paningin ng nilikha ang bagong gawang koprahan. Mabilis na bumulusok ang nilikha at pumasok sa kubakob na nakalaan sa pagproseso ng mga niyog para maging produktong kopra. Nakadama ng kaligayaha­n ang tambulisli­s dahil nakita sa loob ng bagong gawang koprahan ang mga hinahanap na tao. Muling lumabas sa kubakob ang tambulisli­s at nagpalutan­glutang sa ere para hanapin ang mga kasamahang nilikha.

“Tamang-tama, dito papunta si Malut,” wika ng tambulisli­s. “Maipapaala­m agad sa mga kasamahan namin ang kinaroonan ni Mang Daniel at ng mga taong dumukot sa kaniya!” Itutuloy...

 ??  ??
 ?? R.V. VILLANUEVA ??
R.V. VILLANUEVA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines