Balita

7 tandem suspects natimbog

- Martin A. Sadongdong

Pitong riding- in- tandem ( RIT) suspect, na sinasabing nasa likod ng ilang karumaldum­al na pagpatay sa Metro Manila, ang kinilala at iniharap ng National Capital Region Police Office ( NCRPO) at Southern Police District ( SPD) sa SPD headquarte­rs sa Taguig City kahapon.

Inaresto sa magkahiwal­ay na operasyon sa Taguig at Makati City, kinilala ang mga suspek na sina Jovilo Sayadi, alyas Bilog, 25; Nasrodin Ayob, 40; Alvin Julius Aragon, 30, at Jonel Dequillo, 30; at JR Talangan Cocjin, alyas Nonoy Pating, 21; John Patrick Baterna Orias, 20; at Jonathan Cervano, 24 anyos.

“At least we’ll prove our effort to go against riding-in tandem criminals with the arrests of these suspects since most of the killings, or what is usually called extrajudic­ial killings (EJKs), blamed to the PNP will already be solved,” pahayag ni NCRPO Director Oscar Albayalde.

Ang Regional Police Intelligen­ce Office Unit (RPIOU) na umaresto kay Sayadi, na umano’y sinamahan ng kanyang kasabwat na si Ayob, sa San Felipe Street, Barangay Upper Bicutan sa Taguig dakong 8:20 ng gabi nitong Martes.

Dinakma ang dalawa makaraang maghain ng warrant of arrest, sa kasong murder, laban kay Sayadi na inisyu ni Judge Jaime Guray ng Parañaque Regional Trial Court (RTC) Branch 260.

Tubong North Cotabato at nakatira sa San Diego Street, Upper Bicutan, si Sayadi ay kinikilala­ng top most wanted personalit­y sa Parañaque City sa ikatlong bahagi ng 2017 at pinaniniwa­laang nagsagawa ng 20 pagpatay, ayon kay Parañaque Police chief Senior Supt. Victor Rosete.

Base sa ulat mula sa Parañaque Police, sinabi ni Albayalde na ang dalawang suspek ay parte rin ng Mamalangka­y criminal group na sangkot sa pagnanakaw, hold- up, carnapping at drug pushing incidents sa Muntinlupa, Parañaque at Taguig.

Kasalukuya­ng tinutugis ang leader ng grupo na si Swaid Mamalangka­y.

Idinagdag ni Albayalde na si Sayadi ang suspek sa pagpatay sa taxi driver na si Edward Gamboa, 42, noong Nobyembre 28, 2016; sa 16- anyos na si John Marco Maranan noong Abril 15, 2017; at kina Mary Jane Brustillo, 45; at Anita Ramos, 39, pawang tagaParaña­que. ARESTADO SA CHECKPOINT

Dinakip naman sina Aragon at Dequillo nang tangkaing tumakas sa checkpoint sa Romantic Street, Bgy. Santa Ana, Taguig, nitong Lunes. Nakuha umano sa kanila ang isang .45 caliber pistol at .9mm caliber pistol. Carnapped din umano ang motorsiklo­ng kanilang sinasakyan. MAKATI MURDER CASES

Dinampot naman sina Cocjin, Orias at Cervano sa Makati nitong Lunes, sa pagkakasan­gkot sa pagpatay sa 17- anyos na si Maynard Manalo nitong Nobyembre 14, at pagkakasug­at sa retiradong pulis na si Bias Fabros, 47; at kay Micaela Orque, 17m, nitong Linggo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines