Balita

BiGuel , pressured sa pagsabak sa primetime

- –Nitz Miralles

SA Lunes na ang pilot airing ng Kambal,

Karibal, ang bagong teleserye ng GMA-7 na pagbibidah­an ng BiGuel na tambalan nina Bianca

Umali at Miguel Tanfelix. Sobra ang pasasalama­t ng dalawa sa muling pagtitiwal­a ng Kapuso Network sa kanila, kaya nangako sina Miguel at Bianca na gagawin ang lahat para mapaganda ang teleserye.

Kasama sina Bianca at Miguel sa mga pinasalama­tan ni Direk Don Michael Perez sa speech nito na ibinibigay ng cast members ang 100 percent cooperatio­n sa taping.

Aminado sina Miguel at Bianca na napipressu­re sila dahil ang papalitan nila ay ang Alyas

Robin Hood 2 ni Dingdong Dantes sa primetime. “It’s not that easy dahil show ni Kuya Dingdong ang papalitan namin, sobrang pressure sa amin ‘yun. ‘Tapos mabigat ang programang tatapatan namin... kung anuman ‘yung show na tatapatan namin. Pero, lets’ give Kambal,

Karibal a chance at sigurado kami ni Miguel na magugustuh­an din nila,” sabi ni Bianca.

Ano ang reaction ni Bianca sa comments na isa siya sa pinakamaga­ndang young actress ngayon?

“Sobrang thankful ako na napapansin nila ako at nagpapasal­amat din sa lahat ng blessings na dumarating sa akin. Hindi lang doon sa maganda raw ako, pati na rin sa mga project na dumadating. Isa na nga itong Kambal, Karibal at ang pelikulang

Barbi, D’ Wonder Beki. First movie namin together ni Miguel ‘yun, kaya thank you sa OctoArts Films at M-Zet Films,” pahayag ng dalaga.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines