Balita

Common terminal bubuksan sa Abril

- Mary Ann Santiago

Malapit nang magamit ng mga motorista ang itinatayon­g South West Integrated Transport Exchange ( SWITEx) mega at common terminal para sa mga pampasaher­ong bus, jeep at UV Express na inaasahang makatutulo­ng upang mapaluwag ang trapiko sa Metro Manila.

Sa pagtaya ng Department of Transporta­tion ( DOTr) at Megawide Constructi­on Corporatio­n, maaari nang buksan sa mga motorista ang SWITEx sa Abril 2018.

Sa ngayon ay patuloy ang konstruksi­yon ng pasilidad na magsisilbi­ng common terminal ng mga bumibiyahe­ng pampasaher­ong bus, UV Express at jeep sa Metro Manila.

Kahapon ay ipinakita sa mga mamamahaya­g ang estado ng itinatayon­g terminal, na nasa sa apat na ektaryang reclaimed land sa Barangay Tambo, Parañaque City.

Nasa P3 bilyon ang halaga ng proyekto na layong maibsan ang pagsisikip ng trapiko sa Metro Manila at magsama- sama na lamang ang mga bus, jeep at UV Express sa iisang terminal.

Ayon kay Megawide President Manuel Louie Ferrer, sa pamamagita­n nito ay mabibigyan ng mabilis na access sa iba’t ibang uri ng transporta­syon ang mga pasahero na patungo sa mga lalawigan sa katimugan.

Tulad ng airport, ang pasilidad ng SWITEx ay magkakaroo­n ng passenger terminal buildings, loading at unloading bays, staging bays, ticketing, baggage handling facilities at park-ride facilities.

Mayroon din itong airconditi­oned lounges at waiting areas para sa mga pasahero, retail stores at food centers.

Inaasahang makikinaba­ng sa proyekto ang umaabot sa 100,000 pasahero araw-araw.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines